Roxas, Jinggoy, Enrile target bumalik sa Senado

Umarangkada na rin para lumaban ng saba­yan sa iba pang senatoriable si dating Senador at naging Presidentiable Mar Roxas matapos itong maghain ng Certificate of Candi­dacy (COC), kahapon sa Intramuros, Maynila.
Kasunod nito ay nag­hain rin ng COC si Imee Marcos sa pagka-Senador.

Habang sinamahan naman ni Manila Mayor Joseph Estrada sa paghahain ng COC ang kanyang anak na si dating Senator Jinggoy Estrada na tatakbo ding Senador.

Dumating naman sa Comelec para maghain ng COC sakay ng bisekleta si dating Senador Pia Cayetano.

Maging si Human Rights lawyer Jose Ma­nuel ‘Chel’ Diokno ay naghain ng COC sa se­natorial bid.

Maging si dating Sena­te President Juan Ponce Enrile ay din ng COC sa pamamagitan ng kanyang kinatawan.

Gusto umano ng 95 anyos na Senador na makisaya sa midterm elections sa Mayo 13, 2019.

Hindi umano niya kinakailangan na nakipagbuno sa Senado dahil kailangan lamang naman ay nauunawaan mo ang problema at ang solusyon sa problema.

Gagamitin umano niya ang makabagong teknolohiya sa pangangampanya tulad ng Facebook account at social media.

Nabatid kay Comelec Spokesman James Jimenez na hanggang ngayon na lamang alas 5 ng hapon maaring na makapaghain ng kanilang COC ang mga tatakbong kandidato.