Nakatala na ang higit 100 entries sa Las Piñas Coliseum kaugnay ng “Roy and Ryan Fastest Win One-Cock Ulutan” ngayong alas-10 ng umaga.
Ito ay dahil sa magarang premyong P60,000, kung saan tatanggap agad ng P1,000 ang unang 20 winners at hatian sa P15,000 ang mga makakatatlong panalo.
Para sa fastest win champ ang P10,000 ang katapat; P5,000 sa segunda; P3,000 sa tersera; at P2,000 bawat isa sa ika-4-5-6.
Naghahanda rin ang mga smalltime cocker at hackfight enthusiast sa “Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby” sa Mar. 13 sa promosyon naman ni Budjit Aguilar. May cash prize ito na P400,000 at entry fee na P4,400.
Sa April 24 naman ang palaban ni coliseum manager Alex Tobias na “Boss A Summertime 4-Cock Derby”.
Kontakin para sa iba pang detalye sina Grace 1, Grace 2 at Julius sa
873-1040, 0929-1800 960, 0939-1376 455, at 0915-3582 076.