Rozier, Horford binalikat ang Celtics sa 2nd round

Natapos din ang asaran nina Terry Rozier at Eric Bledsoe sa first round ng Eastern Conference playoffs.

Umiskor si Rozier ng career playoff-high 26 points sa Game 7 para balikatin ang Boston sa 112-96 panalo kay Bledsoe at sa Milwaukee Bucks,87 Sabado ng gabi.

Sa ikalawang sunod na taon ay abante sa East semis ang Celtics, ihu-host sina Joel Embiid, Ben Simmons, JJ Redick at ang Philadelphia 76ers sa Games 1 at 2 umpisa sa Lunes.

Sa pitong laro, nagtutulakan, nagsisigawan at nag-aasaran sina Rozier at Bledsoe. Pagkatapos ng Game 7, nagyakapan din sila at nagtawanan.

“You’ve got two guys that want to win, two chippy guys, two short point guards,” ani Rozier na namigay pa ng nine assists. “We were just out there having fun.”

May 26 points at eight rebounds si Al Horford sa Celtics, tinulungang umiskor ni Milwaukee big man Giannis Antetokounmpo nang ‘di sinasadyang pumasok sa basket ng Boston ang tip-in.

Nagdagdag ng 20 points si Jayson Tatum sa Celtics, sinamantala ang home court advantage nang ipanalo ang lahat ng apat na laro sa Boston.

Umiskor si Khris Middleton ng 32, tumapos ng 23 si Bledsoe at may 22 points si Antetokounmpo sa Bucks. (VE)