RP-Mission survey sa Speaker

RP-Mission survey sa Speaker

Nanguna sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) si Leyte Congressman Martin Romualdez bilang top choice sa karera sa pagka-Speaker sa botong 30 porsiyento.

Sumunod si Taguig Congressman Allan Peter Cayetano, 23%, dating Speaker Pantaleon Alvarez, 18% at panghuli si Marinduque Lord Allan Velasco, 14%.

Sa nationwide survey lumitaw na si Romualdez ang no.1 choice sa Visayas (35%), Balance of Luzon (31%), at Mindanao regions (23%).

Ginawa ang survey noong July 26-31, 2019 na may 3,500 registered vo­ter nationwide at may 3% +/- margin of error.

Sa National Capital Region (NCR), nanguna naman si Cayetano na may thirty-three percent points (33%), pumangalawa si Romualdez na may twenty-seven percent points (27%).

Sa Balance of Luzon ay pumangalawa si Cayetano na may twenty-five percent points (25%) kay Romualdez na may thirty-one percent points (31%). Sa Visayas region, si Velasco ay nakakuha lang ng nineteen percent points (19%) na pinangunahan pa rin ni Romualdez na may thirty-five percent points at si Cayetano na nasa pangalawang puwesto na may twenty-one percent points (21%). Sa Mindanao, ‘statistically tied’ si Romualdez na may twenty-three percent points (23%) at Alvarez na nakakuha ng twenty percent points (20%).

Sinabi ni Dr. Paul Martinez ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) ang incoming members sa House of Representatives ay nasa ‘turmoil stage’ at mahalagang pulsuhan ang sentimento ng kanilang consti­tuents sa isyu.