Ang hot naman ni RR Enriquez. Hindi man siya kasing sikat ng ibang mga kasabayan niya sa showbiz pero napanatili pa rin nito ang kanyang kaseksihan.
Ang pruweba ay ang mga shot niya na kuha sa bakasyon niya. Nagtatampisaw siya sa malinaw at malamig na tubig dagat.
Stolen shot ang pagkakuha kay RR pero ang mapapansin ay ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Malaking tulong ang hindi pagiging alipin ng taping, puyat, pagod sa showbiz ang rason ng pananatili ni RR ng kanyang kaseksihan.
Siyempre, nagmamay-ari ito ng ReJuva Skincare kaya kailangan niyang maging maganda palagi sa mata ng kanyang mga kliyente.
Kumpara noong nasa showbiz si RR at ngayon, ang laki ng ipinagbago ng alindog ng dancer-actress.
Pumuti, kuminis at mas gumanda pa ito. Kung hindi mo kilala ang isang RR Enriquez, masasabi mong artistahin ito.
Pero mas palaban ngayon ang kaseksihan niya. Keri pa rin kung magiging active pa uli siya sa showbiz.
Kahit paano ay mapagbigay pa rin naman si RR na ipatikim kahit sa mga mata lang ang kanyang alindog.