RS, Allan K, Derek nagbenta ng kotse,bahay

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi malinaw ang dahilan ng pagbebenta ni Derek Ramsay ng tatlong luxury cars niya ngayong panahon ng quarantine.

Nandiyan ang Aston Martin DB11, Ferrari F12 Berlinetta at Rolls-Royce Ghost . May humuhula na gagastusin ito sa pagpapakasal kay Andrea Torres

Nag-post naman ang actor-director- owner ng Frontrow na si Raymond ‘RS’ Francsico sa kanyang Facebook account na “ I want to sell some of my cars para may pang dagdag pa sa mga donations for COVID 19 #ParaSaBayan “

Ready si direk na pakawalan ito para marami pang matulungan na apektado ng krisis ng coronavirus.

“Kung #ParaSaBayan…. Handa. Kami!,” sey pa niya na meron silang Frontrow Cares.

Bukod sa pagsuporta ng Frontrow kay Willie Revillame na makapagbigay ng premyo sa kanyang show, si direk RS ay may proyekto rin na feeding program na ‘Kontra Gutom’. Umiikot ito sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Nagkaroon din siya ng online play na Asawa/Kabit para makalikom ng pera sa mga artist at manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa quarantine.

Isa siya talaga sa mga nangungunang celebrity na nakapag-donate sa mga frontliner at pinadapa ng COVID. P100 M na rin ang lumabas na ayuda ng kanilang kompanya.

Samantala, bago magka-COVID naibenta na rin ni Allan K ang kanyang malaking bahay at lupa. Lumipat siya dahil gusto niya na mas maliit ang tinutuluyan niya.

Havey pa rin sa kadatungan si Allan kahit sarado ang kanyang mga comedy bar dahil sa lockdown.

May mga nang-intriga sa pagbebenta ng bahay ni A.K. pero pagtatanggol ni Kim Idol sa Facebook: “Matagal na pong nabenta ung bahay ni AK bago pa po mag lockdown. Old news na po sa amin na mga close sa kanya ito. And kung ibenta po nya un wala pong masama dun kasi sa kanya po yun. Kahit sunugin pa nya un. Hahaha.”

Marlon Limpin, “ Nabenta na po yun bago pa lang mag ka- covid at alam bakit nya benta kasi sobra taas ng offer ng buyer kaya nya binenta po.”

Wild Zaft,” Matagal na po nakaplano benta ang bahay ni Kuya Allan k. December pa ng tripping ko doon si Gov. Chavit Singson. Masyado kasi malaki para sa kanya. Ngayon mas maganda bagong bahay niya cute. Pang Billionaire dating.”

Talbog!