Rubber match sa Pasig

Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
4:00 p.m. — BaliPure vs. Creamline
6:30 p.m. — Power Smashers vs. Pocari

Sumalto ang defending champion ­Pocari Sweat at preliminary topnotcher BaliPure sa Game 2 nang pigilin ng mga katapat sa semi­finals ng Premier Volley­ball League Reinforced ­Conference noong ­Martes sa PhilSports Arena sa Pasig.

Parehong nakauna sa best-of-three series, lumuhod sa five sets ang Lady Warriors at Water Defenders kaya nakahirit ng rubber match ang Power Smashers at Creamline ngayong araw sa parehong venue.

“Napagod na rin kami,” saad ni ­Pocari Sweat star hitter Myla Pablo. “Pagkatapos ng laro may training kinabukasan gabi na nakakauwi ang dami pa ­naming laro na umabot ng five sets,”

Nakipagdikdikan ang Lady Warriors sa quarter­finals matapos mabigo na makakuha ng outright semis berth.

Muling susubok ang Pocari Sweat sa Game 3 laban sa Power Smashers sa main game.

Tulad ng Lady Warriors, huling tsansa ng Water Defenders na ma­kapasok sa championship round, kailangan din nilang patalsikin ang Cool Smashers sa first game.
Abante sa best-of-three finals ang mananalo.