Nakaupo lang sa bench si leading scorer Donovan Mitchell dahil sa bruised ribs, nag-take charge si Ricky Rubio para ihatid ang Utah Jazz sa 133-112 panalo kontra Sacramento Kings Linggo ng gabi.
Nilista ni Rubio ang 23 sa kanyang 27 points sa first half, tumapos si Rudy Gobert ng 18 points at 15 rebounds para sa Jazz.
“Any time he can get going he’s allowed to do that,” ani Utah coach Quin Snyder sa agresibong laro ni Rubio. “He knew tonight that his scoring was important. He got to the rim as much as anything.”
Nagdagdag si Joe Ingles ng 18 points, may 14 si Jae Crowder at 11 pa kay Derrick Favors sa Jazz.
Maya’t maya ay naiiwang bukas si Rubio at ipinasok ang 10 sa una niyang 12 tira. May sahog pa siyang 5 assists at 7 rebounds.
Nanlamig si Rubio sa second half nang matawagan ng kanyang fourth foul sa kaagahan ng third, pero kumapit ang Jazz sa responde nina Gobert at Favors.
Nilista ni Gobert ang 11 sa first 13 points ng Utah sa third kabilang ang dalawang payanig na two-handed dunk sa loob ng 60 seconds. May 7 points si Favors sa bukana ng fourth.