Hindi pa handang ipaubaya ni Rufa Mae Quinto ang kanyang korona bilang sexy comedienne. Ito’y kung ibabase sa mga daring photos na pinoste niya sa kanyang social media account.

Noon pang bagong panganak si Rufa Mae, atat na siyang bumalik sa kanyang dating pigura.

Ngayong malaki na ang kanyang anak na si Alexandria Magallanes, mas lalong naging obsessive ang aktres na manumbalik sa kanyang dating pigura.

Sa kanyang Instagram post, nagba­landra si Rufa Mae ng ilan niyang mga larawan suot ay iba’t ibang bikini.

Tagumpay si Rufa Mae sa kanyang pagnanais na maging sexy uli base sa pinoste niyang figure.

Parang walang nabago sa kaseksihan ng aktres sa ganda ng katawan nito at palaban sa mga millennial
Parang mas naging katakam-takam pa ito sa mas slimmer niyang figure na nagpalutang ng kanyang malaking boobs at makurbang balakang.
Nag-iisa nga talaga si Rufa Mae sa kanyang kategorya at wala nang hahamon pa sa kalibre niya bilang seksing komedyana.