Rufa Mae nag-iilusyong sungkitin ang best actress

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioDahil dalagita na siya atwis hindi na bata, ang mga pelikulang kasali sa Cinema One Originals Film Festival 2018, tila mas mapangahas, nakakapagtaas ng kilay, nakakapagdabog ng bangs, nakakapag-init ng laman, at higit sa lahat, tatagos sa buto at hahaplos sa puso ang siyam na pelikulang magkakabugan at magpapagalingan.

Sa mga pelikulang kalahok, pinakamataas ang pagkamausisa ko sa Joseph Abello’s Double Twisting, Double Back kasi tungkol ito sa gymnastics at mental health awareness at ayokong magpanggap, ang diva that you love, nais malaman kung big in Manila si Joem Bascom na palong-palo daw ang palo-palo sa kanyang not one, not two, but three full frontal eksena. May katotohanan nga kaya ang chika na CinemaOne reviewers, X agad ang nakuha nito?

Ang Charliebebs Gohetia’s Bagyong Bheverlynn, super bet ko rin kasi nga, ito ang comeback to end all comeback ni Rufa Mae Quinto. Go for gold ang kanyang pangarap na masungkit ang, “Hindi na masama na manalo akong best actress! Hahahaha!” na sa pakiwari ni Edgar Allan Guzman na katambal niya rito, “Mahusay si Peachy. Perfect pa rin ang comedic ti­ming at grabe ang mga adliban namin rito. Kahit ako nga tuwing naaalala ko ang mga sinasabi niya at pinaggagawa niya sa pelikula, tawang-tawa ako. Ganu’n siya kakwela, natural comedienne, hindi pilit. Basta bumabagyo na lang. Hahahaha!”

Ang Rod Singh’s Mamu And A Mother Too, na tungkol sa makukulay at mas masarap pa sa sinabawang gulay na buhay ng mga transwoman. And how can you resist such a gem knowing na maraming hubad baro scenes si Arron Villaflor. May chumika pa nga sa akin na ang big Villaflor stick, may chance na ipapasilip rin at siempre, Markus Petersen na object of affection ng isang nenita maricon, saan ka pa.

Siyempre pa, gusto ko rin ang Bobby Bonifacio’s Hospicio kasi any film with the Anna Abad Santos is surely a winner and ang Keith Deligero’s proudly Visayan A Short History of a Few Bad Things kung saan isa sa mga bida ay si Jay Gonzaga. Masaya siyang kasama sa pelikula kasi, “Maganda ang role ko, hindi mo alam kung good cop or bad cop. Tapos in Visayan pa siya, alam mo naman Bisaya ako, and proud ako lagi sa roots ko. Masarap sa pakiramdam na ginagamit ang Visayan language sa isang full length movie. Nakaka-proud.”