NI: Mildred A. Bacud

Marami ang nagtatanong kung nasaan na si Rufa Mae Quinto matapos ang guesting sa isang gag show.

16 years din siyang naging regular sa Bubble Gang? Akala kasi ng iba ay balik -Kapuso na siya. Wala naman palang linaw kundi guesting lang talaga ang nangyari.

Sa kasalukuyan ay nasa California ang komedyana kasama ang asawang si Trevor Magallanes at anak na si Athena.

Dahil sa Covid-19 ay kanselado ang shows niya sa Pinas kaya na-extend pa raw ang stay nila sa Cali kahit gustuhin man nilang umuwi.

Bigla raw tuloy naging full time mom siya. Inienjoy na lamang daw ni Rufa ang home shelter o lockdown na nagaganap basta’t kasama ang pamilya.

Mensahe niya sa kanyang IG post, ” Makakaraos din.Positivity! Go go go! Fight fight fight!