Ruffa at Alvin, masaya ang reunion

Ruffa Gutierrez

NAGKAROON ng instant reunion sina Ruffa Gutierrez at Alvin Patrimonio nang magkita sila kahapon sa Centro Escolar University Sportsfest 2016 sa Philippine Sports Arena (formerly ULTRA).

Natuwa si Ruffa ang makita sa event na ‘yon ang Last 2 Minutes leading man niya.
Noong 1989 ginawa nina Ruffa at Alvin ang nabanggit na pelikula ng Regal Films.

Kasama nila roon sina Aiko Melendez, Carmina Villaroel, Jerry Codinera at Paul “Bong” Alvarez.

Tumutulong si Alvin sa basketball team ng CEU at si Ruffa ay sinamahan ang CosmoSkin owners na sina Red Gatus at Niño Bautista (outstanding alumni ng CEU) sa nabanggit na event.

Nag-flashback si Ruffa 27 years ago at naikuwentong sobrang saya nang gawin nila ang Last 2 Minutes.

***

Noong isang araw ay nag-post ang anak ni Cong. Atienza na si Kuya Kim ng litrato na kuha nang magkaroon siya ng stroke six years ago at isa pang litrato na very healthy siya habang nagbibisekleta.

“Exactly 6 years ago, I suffered a stroke. Since then, God has continued to bless me with super health, a loving beautiful family, good friends and the ability to join marathons and triathlons.

Kuya Kim
Kuya Kim

“It gets better every single year! God you are the grand weaver. ‘All things work out well for those who love you and obey your commands.’

“I am so blessed, I am so thankful!” sabi ni Kuya Kim sa kanyang post.

***

Noong Miyerkules ang birthday ni former Manila Mayor and now Buhay-Partylist Congressman Lito Atienza.

Kahapon ay nagkaroon siya ng munting selebrasyon with some members of the entertainment press.

Nang usisain ang edad niya, hindi ‘yon sinabi ng tatay ni Kim Atienza.
Mukhang strictly confidential ‘yon kahit kamakailan ay nag-celebrate sila ng misis­ niyang si Beng ng kanilang golden wedding anniversary.

At dahil naka-50th anniversary na silang mag-asawa, tinanong namin kung ano ang sikreto at ni hindi man lang siya natsikang may ibang babae at na­panatiling maganda ang relasyon nila?

“Naniniwala kasi ako na hindi nagpapakasal ang dala­wang tao para lang mauwi sa hiwalayan. Sana nga may forever dahil para sa akin, forever dapat ang mag-asawa!” pahayag ni Cong. Atienza.

Pagdating sa pulitika, nagtagal siya roon dahil na rin sa suporta ng kanyang misis.

“Kung sa simula pa lang hindi supportive ang wife ko, hindi ako magiging successful sa larangang ito. Sana noong una pa lang, eh, hindi na ako nagtagal.

“Pero ang misis ko, sa simula pa lang, sobra na ang support niya sa ginagawa ko,” sabi pa ng dating alkalde ng Maynila.

Napag-usapan din ang weekly drama anthology na prodyus nila sa GMA 7, ang Maynila.

Almost 19 years na kasi ang Maynila at hindi sila natitinag sa kanilang timeslot tuwing Sabado nang umaga.

Sabi ni Cong. Atienza, maganda kasi ang samahan nila ng mga taong involved sa maliit nilang production company, lalo na ng direktor nilang si Phil Noble.

Tinanong din namin si Cong. Atienza kung after ba ng political career niya ay papasukin na rin niya ang mundo ng pag-arte dahil sa ilang episodes ng Maynila ay nagkaroon na siya ng iba’t ibang ­ca­meo role.

“Hindi siguro. Actually, ang may idea na magkaroon ako ng cameo appearance sa bawat episode noon ng Maynila, eh, galing kay Kim dahil sabi niya, mas okey na kung imbes na sa opening at ending ng show ako mangangaral, eh, magkaroon ako ng cameo sa bawat ­episode at kasama mismo sa show ‘yung pangangaral ko.

“Effective nga dahil mas natatandaan ng mga tao. Pati ‘yung mga batang nakakausap ko, inuulit nila sa akin ‘yung mga pangaral ko sa mga eksena ko sa bawat episode ng Maynila,” sabi pa ng congressman mula sa Buhay-Partylist.