
NOONG problematic si Ruffa Gutierrez dahil sa paghihiwalay nila ng boyfriend na si Jordan Mouyal at dahil na rin sa “unexplained health problem” niya, to the rescue sa kanya ang kapatid na si Raymond Gutierrez.
Isinama pa siya ni Raymond sa The Pool Club ng The Palace na isa ito sa mga may-ari.
Appreciated ni Ruffa ang pagdamay sa kanya ni Raymond, pero parang naalangan siya sa nasabing club dahil puro bagets ang mga nandoroon.
Hindi niya naiwasang makapag-dialogue na ayaw niyang maging “Tita” (as in one of the Tita’s of Manila), na paboritong tawag ngayon sa mga mas may edad na nagpupunta sa mga lugar na pinupuntahan ng mga bagets.
Naloka si Raymond dahil kinuhanan lang niya ng drinks si Ruffa at nang balikan niya ang kanyang ate, wala na ito at nagdesisyong umuwi na lang and to be with her children, Lorin and Venice.
Ang “eksenang” ‘yon ay nakunan ng cameras ng It Takes Gutz to be a Gutierrez at ipapalabas sa episode nila mamaya.
***
May avid viewers ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang na-surprise last week sa episode ng nasabing reality TV series na napapanood tuwing Lunes, 8:30PM.
Hindi kasi naka-announce na may “special appearance” doon si Pres. Rodrigo Duterte.
Ipinalabas kasi sa last week ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang pagbisitanina Annabelle Rama at Pilita Corrales kay Pres. Digong.
Ipinakita pa ‘yung kumanta ang ating bagong presidente, kaya marami ang nagulat sa episode na ‘yon.
“Hindi naman talaga lahat ng mangyayari sa kada episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ina-announce na namin.
“May surprises talaga, kaya ‘yung mga nakatutok talaga sa show, nasu-surprise na lang,” sabi ni Bisaya.
Maraming replays ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, kaya ‘yung mga nakakabalita ng surprises na ipinalalabas sa kanilang reality TV series, sa replays napapanood ang mga ‘yon.
“Tuwang-tuwa nga ako dahil maraming nagtatawagan at nagsasabing ang ganda pala ng boses ni Pres. Duterte at napanood nila sa It Takes Gutz to be a Gutierrez ‘yung pagkanta niya.
Proud naman ako dahil sa (reality) TV show namin napanood ‘yon,” sey ni Bisaya.
***

Biyernes ang Kahapon… Ngayon concert ni Martin Nievera, pero inabot siya ng Sabado nang madaling araw sa KIA Theater dahil sa pagpirma niya ng autograph sa mga CD at pakikipag-picture-taping sa mga nanood ng kanyang event.
Past 11:00 PM na natapos ang concert, pero ang haba ng pila ng mga magpapa-autograph at magpapa-picture kasama siya.
Tinapos ‘yon ni Martin kahit pagod na pagod na siya.
Bawat isa na nagpapa-autograph at nagpapa-picture kasama siya, kinakausap din niya at nakikipagkumustahan siya sa mga ito.
‘Yung isang nanood na lumapit sa kanya, may dala-dala pang old pictures niya, kaya natuwa si Martin.
Nang makatsikahan namin siya sa coffee shop ng isang hotel malapit sa KIA Theater kung saan nag-early breakfast kami, ang tungkol sa ginagawa niya after ng lahat ng events niya ang napag-usapan namin.
Sabi ni Martin, thankful siya sa suporta ng kanyang fans, kaya kahit pagod siya, matiyaga niyang pinagbigyan ang lahat ng nagpa-autograph at nagpa-picture kasama siya.
‘Yung effort pa lang daw ng mga ito na pumunta sa KIA Theater para panoorin siya ay sorang appreciate na niya.
“Plus the fact na bumili sila ng tickets. ‘Yung iba riyan, hindi natin alam, baka ang tagal nag-ipon to buy ticket para mapanood ako, kaya I want them to be happy naman kaya kahit pagod, I don’t complaint at sign lang ako nang sign at nagpapa-picture kasama sila.
“’Yung iba, happy na na nakapagpa-sign at nakakapag-picture kasama ko, pero ‘yung iba, they have stories na gusto nilang ikuwento sa akin, kaya nakikinig naman ako,” sabi ni Martin.
Ang advice ni Martin sa ibang singers, dapat tularan ang kanyang ginagawa dahil kahit mahirap ang buhay ngayon ay gumagastos pa rin ang fans para mapanood sila sa mga concert.