WE’RE back! Dahil naimbitahan kami ng ilang kaibigan around Europe after naming um-attend ng canonization ni St. Teresa of Calcutta sa Vatican City noong Setyembre 4, nagawa naming makapunta sa Milan, Italy na port of entry ni Ruffa Gutierrez at iba pang mga celebrity na dadalo sa kasalang Cristalle Belo-Justin Pitt ngayong araw na ito sa Lake Como.
“So near yet so far” ang drama namin ni Ruffa sa Milan!
Lunes nang dumating kami sa Milan, pero dahil sa antok, hindi namin nasipot ang original na usapan namin ni Ruffa nang 3:00 PM.
Noong magkikita kami para mag-coffee after niyang makipag-dinner with some friends, hindi na namin siya makontak.
Noong Martes, wala pang 6:00 AM ay nagme-message na sa amin si Ruffa. Siya naman pala ang tinamaan ng matinding antok dahil sa jet lag!
During dinner pa lang ay halos hindi na niya maidilat ang kanyang mga mata, kaya nagdesisyon siyang bumalik na lang ng hotel at maagang matulog.
Super early din siyang nagising at maagang nakipagkita sa kanyang mga kaibigan including fashion designer and business-partner Rajo Laurel.
Eh, nasa Lake Como naman kami dahil isinama kami ng manager nina Ogie Alcasid at Lovi Poe na si Leo Dominguez. Napakaganda ng lugar na ‘yon na naging location din ng pelikulang Imagine You and Me nina Maine Mendoza at Alden Richards, kaya sumama rin kami sa grupo ni Leo na nagpunta roon.
Nang nasa Lake Como na kami, nagyayaya namang makipag-lunch sa Eataly sa may Milan si Ruffa, kaya kinumbinsi ko ang grupo ni Leo na doon na kami mag-lunch, kaya drive na naman kami pabalik ng Milan.
Pagdating namin sa meeting place namin ni Ruffa at kumakain na kami nina Leo, hinahanap na kami ng star ng reality TV series na It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Nasaan na raw kami at bakit wala pa kami sa Eataly?!
Sabi namin kay Ruffa, siya ang wala sa Early only to find out na nasa magkaibang sangay ng Eataly pala kami.
‘Kaloka!
So, sabi naman kay Ruffa, rain check na lang, at mukhang malabo na talaga kaming magkita dahil kailangan na naming umalis papunta ng airport dahil may flight kami pa-Paris, France kung saan kami sasakay pabalik ng ‘Pinas.
Eh ang pupuntahan pala ni Ruffa eh sa 10 Corso Como na nasa tabi lang ng Eataly na kinaroroonan namin nina Leo.
So, tinakbo na namin ang lugar na pupuntahan ni Ruffa at nauna pa kami sa kanya, kaya pagdating niya roon kasama ang boyfriend na si Jordan Mouyal, kumustahan lang sandali at picture-picture and goodbye na.
In just three minutes, nag-hello and goodbye kami ni Ruffa, huh!
***
Nasa bansa pa ngayon si Geneva Cruz.
Madalas niyang makapag-bonding ang kanyang Cruz cousins katulad ni Sunshine Cruz.
Ang ipinagtataka ng marami, hindi kasama sa bonding moments nila si Sheryl Cruz.
Naging issue noon ang sinasabing gap ng cousins niya at ni Sheryl.
So, inusisa namin si Sunshine kung hindi pa ba okey sina Geneva at Sheryl.
Sagot sa amin ni Sunshine, “Hi Jun. Wala pa naman kasing chance na magkita sila. Saka puro taga-South (Parañaque, Alabang area) kami kaya mas madalas nagkakasama kami here.”
Idinugtong din ni Sunshine na paalis na rin daw si Geneva next week.
Malabo nang magkita ang dalawa?