NAALIW kami sa tsikahan kahapon nina Ruffa Gutierrez at Teri Onor sa dressing room ng Eat Bulaga.

“Ruffaree” kasi kahapon sa Jackpot En Poy si Ruffa at “Mother Goose” naman sa Quiz Vee segment si Teri.

Tsika-tsika si Teri kay Ruffa hanggang mag-dialogue ang former Miss World second princess ng, “Alam mo, kamukha mo si Nora Aunor!”

Natawa ang mga nakapaligid sa kanila at parang nag-chorus ng, “Ruffa, si Nora nga ang ginagaya niya!”

Sabi namin kay Ruffa, isa si Teri Onor sa maraming impersonators ng Superstar na sumikat dahil sa panggagaya kay Mama Guy.

Tawa lang nang tawa si Ruffa sa pagiging clueless niya na impersonator ni Mama Guy ang comedian turned politician.

***

Noong isang hapon ay dinatnan namin si Mother Lily Monteverde sa isang coffee shop sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Abala si Mother sa pagtse-check ng YouTube videos sa kanyang cellphone.

Mother Lily
Mother Lily

Hindi na siya nanonood ng mga palabas sa telebisyon at ina­abangan na lang niya na may mag-post sa YouTube.

“I spend about two hours a day sa pagsu-surf sa YouTube,” sey ni Mother Lily na updated sa social media sites.

Naka-iPhone 7 si Mother Lily at paglabas ng iPhone 8, mag-a-upgrade na siya kaagad.

She has to keep up with the latest trends daw dahil kailangan niya ‘yon sa pagiging isang movie producer.

Sabi namin kay Mother­ Lily, hanggang ngayon ay usap-usapan siya dahil sa hip-hop get-up niya sa presscon ng Woke Up Like This nina Lovi Poe at Vhong Navarro at sumayaw pa siya, huh!

Tawa lang nang tawa si Mother Lily.

“Si Roselle (her daughter) kasi, siya ang may idea na ganoon ang isuot ko at magsayaw ako. Dapat siya, ayaw naman niya, mas OK daw kung ako.

“Pero I will not do it again. Tama na ‘yung isang beses. Hahaha!” sey ni Mother Lily.

Nasapawan ni Mother Lily ang stars niya sa Woke Up Like This dahil sa ginawa niyang ‘yon.

“Hindi naman. Pero I’m glad at mas nagkaroon ng awareness ang movie namin dahil pinag-usapan ‘yung get-up ko at ‘yung pagsasayaw ko.

“Magaling si Roselle. Idea niya talaga ‘yon. Siya ang nakaisip no’n!” dagdag ni Mother Lily.

From there, “kinidnap” kami ni Mother Lily at isinama sa isang Chinese restaurant sa may Annapolis St., San Juan kung saan ay pinapunta niya ang mag-asawang Eddie at Annabelle (Rama) Gutierrez.

Sa tsikahan namin over dinner, sinabihan ni Mother Lily si Tito Eddie na dapat lang na matuto na rin itong mag-surf sa internet.

May advice din si Mother Lily sa mag-asawa na dapat na silang mag-put-up ng sariling production company.

“That’s the trend now. Dapat may sarili na kayong production company at dapat may mga gamit na kayo like cameras and lights, tutal you have your own reality TV series sa E! (ang It Takes Gutz to be a Gutierrez).

“Ako nga, wala akong alam noon sa mga gadget, pero now, palagi na lang akong nanonood ng YouTube.

“Kapag may gusto akong hanapin, naggo-google lang ako. Simple lang,” ang pagmamalaki ni Mother Lily sa kanyang pagiging techie.

Sa Agosto 21 ay 78 years old na si Mother Lily at may simple dinner lang daw siya with her family and some friends.

Ang wish niya ay maging successful ang pelikula niyang Woke Up Like This.

“At my age, I’m still working. Lahat-lahat sa Regal with the help of Roselle, ako pa rin ang nagtse-check.

“Sa morning paggising ko, palagi akong nagdarasal. I thank the Lord dahil OK pa rin ako. Malakas pa rin ako. Kaya nga palagi akong nagwo-walking.

“Suwerte pa rin na nakakaya ko pa ring mag-work, kaya ako, hindi na talaga ako nagagalit. I just pray!” sey pa ni Mother Lily.