Ruffa at Gov Lloyd, pasabog sa Super Sonic

Ruffa Gutierrez

DAHIL 38th anniversary ng Eat Bulaga, maraming mga sorpresa sa longest-running noontime show ng ‘Pinas.

This week na ang simula ng #DabarkadsGoals nila na challenge sa mga kasali sa show.

Sa tuwing anibersaryo ng Eat Bulaga, may challenges sa Dabarkads. Patalbugan at pagalingan sila sa pagpe-perform sa production number na ang assigned na music ay ‘yung mga ginamit noon sa ilang dance contest ng show.

Ang magkaka-team ay sina Ruffa Gutierrez & Gov Lloyd, Maine Mendoza & Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon & Wally Bayola, Jose Manalo & Kenneth Med­rano, Patricia Tumulak & Joel Palencia, Luane Dy & Miggy Tolentino, Allan K & Anjo Yllana, Paolo Ballesteros, Baeby Baste, Kim Last & Taki Saito, at Alden Richards & Sinon Loresca.

Hindi pa sinasabi kung sinu-sino ba ang magkakalaban-laban.

Nang bumalik sa bansa si Ruffa mula sa ­Morocco kung saan ay um-attend siya ng kasal, hindi pa siya aware tungkol sa #DabarkadsGoals.

In-explain na lang sa kanya ‘yon noong Martes nang mag-meeting sila ng kanyang team.

Na-excite si Ruffa lalo na at na-assign sa kanila ang Super Sonic­ na sinayaw niya noon sa promo ng isang ­Regal movie.

“My gosh, 19-­kopong-kopong pa nang sayawin namin ‘yan sa promo ng isang Regal movie namin. How exciting!” sey ni Ruffa.

Naalala rin ni Ruffa ang That’s Entertainment sa gagawin nila ng kapwa niya referee sa Jackpot En Poy segment na si Gov Lloyd.

“Parang sa That’s Entertainment noon, may competition ang bawat team. Naalala ko tuloy ‘yung ginagawa ­namin noong araw,” sey pa ni Ruffa.

Sa excitement ni Ruffa sa #DabarkadsGoals, pati costume tuloy, siya na ang naghanap.

May napili na siyang design, pati materials, at ipagagawa na lang niya para mas maganda.

At dahil kumpetis­yon ito, kina-career ng bawat magkaka-partner ang pagre-rehearse, huh!

Ang iba sa kanila, noon pa nagre-­rehearse, kaya siguradong ­kaabang-abang ang gagawin ng bawat magkaka-partner!

Sa mga nagtatanong kung kaya magka-partner sina Ruffa at Gov Lloyd ay dahil pareho silang referee sa Jackpot En Poy, ang sagot ay HINDI!

Nagkataon lang na nang bumunot si Joey de Leon ng magkaka-partner ay wala sina Ruffa at Gov Lloyd, kaya sila ang naging magka-partner.

Dagdag ng mga taga-Eat Bulaga, pagandahan­ ng concept, sayaw at gimik ang #DabarkadsGoals, kaya asahan na kahit pamilyar ang tao sa music na sasayawin nila, may kakaibang twist ang mga ‘yon, kaya dapat lang na abangan!

***

Noong minsang paakyat kami sa studio ng Eat Bulaga, nakita namin sa may labas si Bossing Vic Sotto.

Aliw na aliw si Bossing Vic na pinagmamasdan ang pagpi-“pictorial” ng young star na si Taki.

“Alam ko kung ano’ng ginagawa mo. Nag-o-OOTD ka!” sey ni Bossing Vic.

Alam na alam na ni Bossing Vic ang OOTD dahil kapag nasa Eat Bulaga ang misis niyang si Pauleen Luna, madalas din itong mag-OOTD at pino-post sa Instagram account nito.

***

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Marami ang naaaliw sa video shoot ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico para sa endorsement nila ng isang fastfood.

Parehong nakakaaliw ang mag-asawa, kaya maraming nagsa-suggest na mag-artista na rin ang mister ni Solenn.

Puwedeng gumawa ng sitcom ang mag-asawa.

Si Nico kasi, parang sanay na sanay nang humarap sa camera at hindi nahihiya.

Magaling “magpatawa” si Nico, kaya puwedeng gumawa ng sitcom ang mag-asawa.