MARAMI pala sa mga taong nakapaligid kay Regine Velasquez-Alcasid ang inspirado sa patuloy niyang pagpayat.

Kahapon, kakuwentu­han namin sa ­pictorial ni Ruffa Gutierrez ng Cosmo­Skin ­Glutathione and Collagen ang ­stylist ni Regine na si ­Veron Gonzalez at napagkuwen­tuhan namin ang Asia’s Songbird.

Maging si Veron ay nai-inspire na tularan ang misis ni Ogie Alcasid.

May mga pagkakataon na nagpi-fitting sila ng mga damit na susuotin ni Regine para sa isang event o pictorial, pero kapag isusuot na ng singer/actress ang mga damit na ‘yon eh maluwag na.

“Ang sipag ni Regine na magpapayat. Bibilib ka talaga sa kanya, kaya pati kami, gusto naming magpapayat,” sey ni Veron.

Napansin din nila na mas ganado ngayon si Regine at picture nang picture sa sarili dahil malaki na ang ipinayat nito.

Regine Velasquez
Regine Velasquez

“Kung beywang niya, the last time na ­nag-fitting kami, five inches na ang nabawas. Pati ‘yung mga braso niya, tig-1½ inches na rin ang nabawas. ­Nakakabilib talaga si Regine.

“Considering na kumakain pa rin siya ng regular food kapag lunch, ha?! May rice pa nga.

“Pero ang alam ko, sa breakfast, two hard boiled eggs lang,” sey pa ni Veron.

May iba pa yatang secret si Regine at hindi na lang masyadong ikinukuwento.

Maging si Ruffa, bilib na bilib sa pagpayat ni Regine, kaya ina­alam niya sa misis ni Ogie kung ano ba ang sikreto nito?!

***

Ang isa ring kila­lang stylist na si Liz Uy ay bibilib ka naman sa pagiging jet setter.

Kamakailan ay nasa Italy lang siya para sa kasal ng kaibigang si Isabelle Daza and from there, lumipad na pa-New York City (USA) para sa Fashion Week.

At ngayon, nasa London, England naman daw si Liz.

Ang hassle, mula ­Italy pa-NYC ay nawala ang isa sa luggages ni Liz, huh!

Eh lahat pa naman ng outfits na dala-­dala ni Liz, nakalaan na para gamitin niya sa iba’t ibang events na dadaluhan niya abroad, kaya big­la yatang nag-shopping na naman ang stylist na ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz at na-link din noon kay former President Noynoy Aquino, huh!

Anyway, may nagtsika sa amin na gusto sana ni Liz na isama si Raymond Gutierrez sa NYC mula sa Milan, pero nag-beg off ang isa sa hosts ng red carpet events E! Asia dahil hindi ito handa sa biglaang pag-aaya ng kaibigan.

Malaking event ang Fashion Week sa NYC, kaya mahirap kung big­laang sasama roon si Raymond.

***

In-update kami ng isang kaibigan tungkol sa TV executive na napa­balitang nagpakasal na sa boyfriend na actor.

Hindi pa natutuloy ang kasal ng dalawa at ­engaged pa lang ang mga ito.

Malamang na sa ­Disyembre ang kasal ni TV executive at actor.

Saan kaya nakuha ng ex-wife ni actor ang ­tsikang nagpakasal na ang dalawa? Well…