Ruffa kay Gretchen: Kung bati na sila ng mom ko, okay na rin kami

Dahil nga nagkaayos na sina Gretchen Barretto at mommy niyang si Annabelle Rama, ikino-consider ni Ruffa Gutierrez na okay na rin sila ni Greta.

Matatandaang nagkaayos sina Gretchen at Tita Annabelle early this month sa isang dinner sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan kasama si Mother Lily Monteverde.

Wala si Ruffa sa nasabing dinner since biglaan lang naman ang pagkikita nina Greta at Tita Annabelle. Ikinuwento na lang daw sa kanya ng mommy niya ang nangyari.

“Actually, nabigla ako when my mom told me what happened,” kuwento ni Ruffa nang makatsikahan namin siya sa kanyang launching bilang pinakabagong endorser ng CV Premiere Aesthetics ni Cathy Valencia, “and okay na rin ‘yun, kasi, Pasko. Wala naman talagang bad blood between us on my part. Actually, lahat kami nagulat din, because of what happened.

“But what’s important is, I consider it, pag bati na silang dalawa ni Mommy, okay na rin kami.

“So, I think, if we see each other naman, we’ll say “hi” kasi, napakalaki ng pinagsamahan namin. She was even a bridesmaid at my first wedding.”
Ang kasal nila ng Turkish businessman na si Ylmas Bektas ang tinutukoy ni Ruffa kung saan ay bridesmaid nga niya si Greta.

Bukod dito ay napakatagal na raw ng pinagsamahan nila ni Gretchen at pinaalala pa raw ng mommy niya sa kanya kung paano sila naging close dahil sa younger brother niyang si Elvis Gutierrez na noon ay bata pa.

“Elvis did a movie with Gretchen and kuya Rudy Fernandez, nineteen kopong-kopong, she was still with Seiko Films, siguro, 1991. That’s when she started coming to the house, she would borrow Elvis, give him GI Joes, mga sneakers, and I remember, du’n kami naging close and she was always with Marjorie (Greta’s younger sister),” kwento ni Ruffa.

Bago pa raw nag-post si Greta ng controversial remark na “sawsaw pa more, Ruffy” ay pinadalhan pa raw niya ito sa Instagram ng video at picture nito at ni Marjorie.

“Sabi ko, ‘Gretch, sana magbati na kayo.’ And I remember her telling me, ‘Ruffa, our family is different from your family.’ Sabi ko, ‘in time, in time.’
“So I believe, I prayed that in time. Kasi, I witnessed all those beautiful moments. And ‘yun, I just hope magbati sila.

“For me, wala naman akong hate towards anyone,” ani Ruffa.
Ipinaliwanag daw ni Greta sa kanyang ina na initial reaction lang daw nito ‘yung ipinost about her.

“That she just kept posting and posting daw whatever she could post sa sobrang galit niya. So, parang nadamay lang ako sa galit niya,” sey pa ni Ruffa.

Samantala, dahil sa kanyang mga anak na sina Lorin and Venice kaya naging endorser si Ruffa ni Cathy Valencia. Panay raw ang punta ng dalawang bagets sa clinic nito sa Alabang at sobrang rave na rave daw ng mga ito ang product and services ng aesthetician.

Maging si Ruffa ay nagulat sa laki rin ng improvement ng skin ng kanyang dalawang anak na 15 and 16 pa lang kaya mga facial-facial lang naman daw ang pinagagawa.

Wala nang kontrata si Ruffa sa dati niyang skin care and clinic endorsement kaya libreng-libre na siya na mag-switch.

Enrique nagpakita ng puwet sa masahista

Buong ningning na tinanong ni Ogie Diaz si Enrique Gil kung na-try na ba nitong magpamasahe nang nakahubo at naging honest naman ang aktor na sabihing “oo” at ang mas nakakatuwa ay ang embarrassing experience niya that time.

Nangyari raw ito sa The Farm sa San Benito, Batangas. Pinatanggal daw sa kanya ang kanyang brief dahil may provided cloth or towel na gagamitin lang niya.

“Basta, ang weird lang nun’g feeling,” kwento ni Quen sa panayam na nasa YouTube vlog ni Ogie.

Sey naman ni Ogie kay Quen, ang swerte ng nagmasahe dahil nakita ang pwet nito. Nahihiyang tawa nang tawa ang aktor.

Samantala, happy naman si Ogie na very supportive si Quen sa girlfriend na si Liza Soberano at napaka-ayos daw ng relasyon ng dalawa.

Five years na ang relasyon ng LizQuen at sey ni Ogie, wala naman daw siya naririnig na sume-segue pa sa ibang babae ang aktor.

“Ibig sabihin, eh talagang ang pagtingin lang niya ay para kay Liza,” sabi ni Ogie.

Tinanong din ni Ogie si Quen kung si Liza na ba ang babaeng gusto nitong makatuluyan someday at maging forever na talaga.

“Opo, siyempre po,” sagot ni Quen.