OVER lunch at The Cheesecake Factory in The Grove, marami kaming napagtsikahan ni Raymond Gutierrez (nope, he’s not really changing his name, and he’s only using @mond on Instagram).
Naikuwento ni Raymond na maraming mga celebrity na nag-message sa kanya on IG.
Si KC Concepcion, kinongratulate siya for losing 65 pounds.
Si Julia Barretto, nag-private message kay Raymond na nagsasabing na-inspire ng twin brother ni Richard Gutierrez ang nanay ng young actress, si Marjorie Barretto, to start working out at magbawas na rin ng timbang.
Syempre ang mas na-inspire ni Raymond ay ang ate niyang si Ruffa Gutierrez na halos araw-araw na ring nagti-training sa gym.
Ang pasalubong ni Raymond kay Ruffa, gym stuff from a famous athletic apparel retailer store.
Mukhang type rin ni Ruffa na sobrang sexy siya at paghahanda na rin ‘yon dahil a-attend siya sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa Paris, France sa Setyembre.
Going back to Raymond, kahit masarap ang cheesecake sa restaurant na pinuntahan namin, ni hindi na siya um-order ng dessert, kaya nahiya kami at hindi na rin kami nag-sweets, huh!
***
May isang nakatsikahan kami na nagsabing sina Robin Padilla at Jodi Sta. Maria ang magkapareha sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN.
Malapit-lapit na raw magsimula ang proyektong ‘yon.
***
Totoo bang ‘ipit’ sa big bosses nila sa GMA 7 ang scriptwriter at isa sa creative consultants ng Kapuso network na si Suzette Doctolero dahil sa pagsagot niya sa ilang bashers at nasabi niyang FLOP noong una ang Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza?
Sabi ni Suzette, wrong choice of word ‘yung nasabi niya na FLOP ang primetime teleserye nina Alden at Maine.
Dahil doon, in hot water si Suzette sa mga boss niya sa Siyete.
Kahapon, inusisa namin si Suzette kung ano na ang update sa ‘kasalanan’ niya dahil sa FLOP tweet niya, pero wala pa raw.
Papunta siya kahapon sa GMA 7 at may meeting sila.
“Nagalit ba sa ‘yo ang management? Ano’ng hatol?!” tanong namin kay Suzette.
“Oh, no! Wala pang hatol. Siguro mamaya kakausapin ako,” sagot ni Suzette.
Inusisa naman namin siya tungkol sa isang tweet niya na, “Ready na ako sa consequences.
Before this stupidity, I hope I’ve served my network well. Thanks!”
Naggu-goodbye na ba siya sa Kapuso network?
“In case lang naman. Kakapagod na rin na lagi nasa kontrobersya. Kaloka.
“‘Di naman gano’n ibig ko sabihin, pero binig-deal. Anyway, my fault. Napikon. Ayan, nagkamali!” sagot niya.
Idinagdag din ni Suzette na, “Minsan ata need ko magpreno ng bibig. Masyado ako prangka.”
Jun, tikom ata ang bibig mo sa isyung BIR ni Richard? Update ka naman? Sayang ang bayad sa iyo ng Gutierrez family, ikaw pa naman ang PRO nila!