Ruffa minura ni Annabelle

Napamura si Annabelle Rama nang magsumbong ang anak na si Ruffa Gutierrez sa kanya na niloloko siya ng kanyang boyfriend. Ang hindi alam ng madir ay prank call ‘yun sa “Gandang Gabi Vice” kung saan, guest ang kanyang anak para mag-promote ng bagong serye niyang “Love Thy Woman”.

Ang naturang prank call ay parte ng segment na “Sagot o Lagot” na ‘pag hindi nasagot ang tanong ay gagawin ni Ruffa ang ipinagagawa sa kanya ni Vice Ganda.

Hindi nasagot ni Ruffa ang tanong kung sinong artista ang pinakaayaw niya kaya ang challenge na tawagan ang kanyang ina at sabihing “he’s cheating on me” ang ipinagawa sa kanya.

So, ginawa nga ni Ruffa. Tinawagan ang ina at kunwa’y umiiyak na sinabing “Ma, nahuli ko siya, nangangaliwa siya!”

Sagot ni tita Annabelle, “Si Jordan?” na ang tinutukoy ay ang boyfriend na si Jordan Mouyal.

“I told you before pa, iwanan mo na ‘yung _____ (bleep)!” sey ni Tita Annabelle. Of course, filtered na sa ere ang sinabi sa dulo ng ina ni Ruffa pero obviously ay nagmura ito.

Tawa naman nang tawa sina Ruffa at Vice Ganda.

Nang i-reveal ni Ruffa na naka-on air siya sa “GGV”, nagmura na naman si Tita Annabelle.

“______ (bleep) babae ka!” sabi ni Tita Annabelle.

Hahaha!

Papuri ni Sharon sa 2 anak pasaring kay KC

Na-bash na naman si Sharon Cuneta matapos mag-post ng papuri sa kanyang dalawang anak na sina Frankie and Miel Pangilinan sa pagiging malapit ng mga ito sa pamilya.

“Awww…my two precious girls who are so close that it is enjoyable just watching them do stuff together at home, listening to how happy they are while talking.

“The pic on the left was taken when Kakie arrived home Dec. 18 last year. The photo on the right was taken on January 19, just before Kakie left for NY. Both taken at the airport.

“Kakie has been calling Yellie her ‘baby Peanut’ since Yeyie was in my tummy. These photos are so sweet. These are my loving, good-hearted girls who truly treasure me and our family. I am so proud to be their mother!” ang caption ni Sharon sa hugging photos nina Kakie and Miel.

Ipinalagay na naman ng iba na pasaring kay KC Concepcion ang naturang post at marami ang nakaramdam ng awa sa panganay na anak nina Sharon at Gabby Concepcion.

“Ang unfair kay KC. Ang hilig mong magpasaring sa mga caption. Hindi mo kailangan laging magkumpara, iba iba naman ang paraan ng mga anak para ipakita ang pagmamahal sa magulang.

“Si KC habang lumalaki walang ama tapos ikaw busy sa career mo. (may love life pa) Naalala mo yung kinuwento mo? Si KC nagsusulat kay Boss Vic na huwag ka muna bigyan ng work kahit 1 week lang para lang makasama ka niya.

“Money and fame can never give a permanent and satisfaction in life. Giving your daughter all the glitters in the world would not cover the lost hours and absences of your presence.

“Mabuti nga si KC, hindi nag rebelde eh, lumaki paring mabuting bata sa kabila ng lahat. Ayan si Frankie at Miel may tatay, natutukan niyong dalawa ni Kiko habang lumalaki kasi medyo nawala ka sa showbiz.

“Nagtataka ka kung bakit parang mas close si Kc kina Garie at Chloe? Sila sila lang kasi nagkakaintindihan. Pare parehas silang hindi buo yung pamilya. Kahit sabihin mong anak turing sa kanya ni Kiko, iba parin yung mama at papa mo magkasama at masasabi mong pamilya mo talaga,” ang komento ng isang netizen.

Reaksyon naman ng isa pa, “when your own mother is bashing/ bullying you on social media. I love you mega but please stop being so dramatic.”

Marami rin namang nagtanggol kay Sharon at sinabing maraming beses na rin naman daw na pinuri ni Megastar si KC at lagi ring sinasabi ever since kung gaano siya ka-proud sa panganay na anak. So, hindi naman daw dapat bigyan ng kulay kung sina Miel and Kakie naman ang purihin ngayon.