KAHIT nauwi sa hiwalayan ang ilang taon na relasyon nina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi noong 90’s, still, naging good friends sila.

Good friends din si Ruffa at ang misis ni Zoren Legaspi na si Carmina Villaroel.

Natuwa si Ruffa nang magkita sila ni Zoren sa opening ng isang dent­al clinic sa S Maison sa Conrad Manila noong Linggo.

Kasama ni Ruffa ang dalawang anak niya na sina Lorin at Venice. Kasama naman ni Zoren ang isa sa twins nila ni Carmina na si Cassy.

Katulad ni Lorin na magpo-14 na sa Agosto, teenager na rin si Cassy dahil nag-16 na sila ng twin brother niyang si Mavy noong Enero.

Sabi ni Ruffa, how time flies.

Marami ang kinilig nang makitang magkausap sa nasabing event sina Ruffa at Zoren, but of course, friends na lang ang dalawa.

Happy si Ruffa sa magandang relasyon nina Zoren at Carmina.

Si Ruffa, happy rin sa kanyang lovelife dahil matagal-tagal na ang relasyon nila ng boyfriend na si Jordan Mouyal, na hindi pa rin natatanggap ng nanay niyang si Annabelle Rama, huh!

Anyway, kapag hindi busy sa trabaho at events si Ruffa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang halos araw-araw na pagdyi-gym. May ‘balik-alindog’ program si Ruffa na inspirado sa pagpayat ng brother niyang si Raymond Gutierrez.

Ipinapangalandakan ni Ruffa na kaha­nga-hanga ang 65 pounds na nabawas sa timbang ni Raymond.

Ikinaloka ni Ruffa ang first time na shirtless pictorial ni Raymond.

“My gosh, never ginawa ‘yan ni Mond noon. Nakaka-inspire ang pagpayat ng kapatid ko.

I’m so proud of Mond!

“Marami siyang binago sa lifestyle niya para ma-achieve ‘yung goal niya na mabawasan ng 65 pounds!

“Nakakainggit si Mond, pero siyempre, inspired ako, kaya halos araw-araw rin ang pagdyi-gym ko at may kinuha na rin akong mag-train sa akin!” sey ni Ruffa.

***

Nakakatuwa ‘yung pagba-bonding nina Kris Aquino at Pokwang, pati nina K Brosas, Chokoleit, Pooh, Rayver Cruz at Miles Ocampo sa Hawaii.

Nasa Hawaii rin kasi si Kris at nagbabakasyon kasama ang anak na si Bimby.

Ang ibang ABS-CBN stars, nandoroon para sa isang show nila.

Si Kris pa ang nag-blowout sa grupo nina Pokwang.

Noong may KrisTV pa, madalas na mag-co-host kay Kris sina Pokwang at K, kaya parang reunion na nila ‘yon.

Si Pokwang, kahit nawala na sa Kapa­milya network si Kris, never tinuldukan ang friendship nila ni Kris.

Patuloy ‘yung closeness ng dalawa.

Oo nga pala, nakasama rin sa bonding na ‘yon ang lovey-dovey ni Pokwang na si Lee O’Brien na kapag nasa ‘Pinas ay nakakasama rin noon ng comedienne sa ilang bonding sessions with Kris.