NADULAS si Tita Annabelle Rama kahapon sa presscon para sa 4th season ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez at nabanggit niyang NAMATAY si Ruffa Gutierrez nang 5 minutes at nabuhay lang ito ulit.
Bago ang shocking revelation niya na ‘yon ay sinabi ni Tita Annabelle na kahit may mga away sila ni Ruffa ay hindi niya masabi rito ‘yung mga ayaw niya dahil natatakot siyang mamatay ito sa konsumisyon sa kanya.
Unexpected ang sumunod na eksena dahil HUMAGULGOL si Tita Annabelle at parang ang sakit-sakit nu’ng iyak niya.
Dahil sa breakdown moment na ‘yon ng Gutierrez matriarch ay kinuha ni Tito Eddie Gutierrez ang mic at siya na ang nagsalita para sa umiiyak na asawa.
Ayon kay Tito Eddie, hindi nila dapat pag-usapan ang nangyari kay Ruffa doon sa presscon na ‘yon.
Basta, may mga pangyayari raw sa buhay nila na involved si Ruffa.
So, ang sabi ni Tito Ed, panoorin na lang sa kanilang reality show because it’s gonna be shown on TV.
Habang patuloy sa paghagulgol si Tita Annabelle ay humirit ang katabi ni Tito Eddie na si Ruffa ng, “I’m so happy you cared pala for me, mom. Akala ko, you didn’t care anymore.”
Kahit umiiyak ay nagawa itong sagutin ni Tita Annabelle ng, “Tuwang-tuwa ka naman!”
***
Bawal idetalye kung ano exactly ang nangyari, pero ang sabi ni Tita Annabelle, kung noon ay lagi silang nag-aaway ni Ruffa, this time ay iniingatan niya ito dahil 3X nang nangyari ang bagay na ‘yon.
Aniya, baka sa 4th time ay matuluyan na si Ruffa at hindi niya matatanggap ‘yon na mawala ito sa buhay niya.
Kapag pinanood ang bagong season ng It Takes Gutz ay mauunawan daw kung anong ibig niyang sabihin.
Dayalog naman ni Ruffa, alam niyang nagki-care sa kanya ang mommy niya, pero hindi kasi nila ito nakikitang umiiyak.
Last time niya nakita niya itong nag-cry nang bonggah ay nu’ng mag-away ito at si Tito Eddie 18 years ago.
Nakita niya na umiiyak ang madir niya sa may hagdan.
Usually, kapag meron lang maysakit, doon lang daw umiiyak si Tita Annabelle. Doon lang lumalabas ang pusong mammon nito. Lagi itong matapang, mataray at galit.
Bihira nilang makita ang malambot na puso nito dahil hindi nito pinapakita sa kanila.
Kaya nakakatuwa na iniiyakan pala siya nito deep inside.
***
Nang subukan naming usisain si Tita Annabelle kung ano ‘yung nakakatensyong insidente na nangyari kay Ruffa, muling napaiyak si Tita Annabelle at hindi niya magawang magsalita sa mikropono.
Si Richard Gutierrez ang sumagot sa tanong namin.
Paliwanag ni Chard, ang nangyari ay nagkaroon ng major medical situation kay Ruffa na kailangan niyang tumawag ng ambulansya early in the morning.
Medyo nakakatakot ‘yung nangyari, buti at nandu’n siya at ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice para tumulong.
Medyo na-highlight ‘yon in one of the episodes sa Season 4.
Mukhang naging traumatic talaga kay Tita Annabelle ang nangyari dahil crylaloo pa rin ito at hindi makapagsalita.
“Well, kung anong nangyari sa akin, up to now it’s still very puzzling at hindi ko rin talaga masabi. Kasi, hindi ko nakita, hindi ko alam na nangyayari ‘yon,” bulalas ni Ruffa.
“She doesn’t really remember what happened,” sundot ni Venice.
Sey naman ni Lorin, “It was very scary because it was nothing like I’ve seen before. I’ve never experienced anything like it myself.
“I’ve never seen it happen to anyone else.
“So, when it happened to her (Ruffa), of course I was concerned. Pero there was only so much I could do.
“So, I called up Tito Richard and he decided to call an ambulance and just bring her to the hospital.
“But yeah, it was very scary. Thankfully, she’s okay now.”
Ani Ruffa, una siyang naka-experience ng ganitong sitwasyon 7 years ago o nu’ng 2009. Ang pangalawa ay naganap a couple of months ago.
Tapos, itong pinakahuli ay last week lang nangyari.
***
Si Tita Annabelle ay napagtantong hindi nito kakayaning mawala si Ruffa sa mundo, kahit pa away-bati silang mag-ina.
May realizations din kaya si Ruffa sa life and death situation na pinagdaanan niyang ‘yon?
“Actually, confused pa rin ako hanggang ngayon and we’re still trying to solve it. Hindi pa namin nasu-solve ‘yung situation.
“But I just realized that basically, life is short and sabi ko, make the most of it. Kasi, before you know it, today masaya ka, tomorrow wala ka na.
“So, love the people that you’re with and make sure that they know that you love them. And in one second, everything can be taken away from you. So, always be happy, be healthy and love one another!”
Sa Lunes (July 25) nang 8:30 PM, ang Season 4 premiere ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa E!
iba talag kapag ********* kaya hindi pa, Kinukuha marami pang *********!!!