HINDI lahat ng Pinoy celebrities ay nalungkot sa hindi pagkakatuloy ng concert ni Justin Bieber sa ‘Pinas!

Sa dressing room ng Eat Bulaga, ang tungkol sa bagay na ‘yon ang topic ng ilang kasama sa show.

Sabi ni Ruffa Gutierrez, ang panganay niyang si Lorin ay noon pa nangu­ngulit na bumili siya ng ticket para sa concert ni Justin, pero namamahalan siya.

“Gusto ni Lorin na manood, ang mahal naman. She’s making me kulit, but now, cancelled na. Hindi na tuloy, kaya hindi ko na kailangang gumastos!” natatawang sabi ni Ruffa na aminado na hindi lahat ng gusto ng mga anak niyang sina Lorin at Venice ay ibinibigay niya.

Inaamin din ni Ruffa na mahirap maging single mom at priority niya ang schooling ng mga anak.

Ang pagiging single mom niya kina Lorin at Venice ang isa sa mga tututukan sa reality TV series ng pamilya Gutierrez, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, na magpa-pilot telecast na bukas ng 8:30 PM sa E! international cable channel.

Mas maraming bonding moments ni Ruffa with Lorin and Venice ang mapapanood, but of course, mapapanood din kung paanong kulitin ng kanyang mga anak ang TV host/actress ngayong halos parehong teenagers na ang dalawa niyang mga anak.

“My gosh, everything, mapapanood sa It Takes Gutz to be a Gutierrez, including ‘yung paglilipat namin ng bagong bahay,” sey ni Ruffa.

Kung si Lorin ay in-allow na ni Ruffa na magka-cellphone at magkaroon ng sariling Instagram account, si Venice ay ia-allow na rin ni Ruffa kapag nag-13 na sa Set­yembre 11.

Sa ngayon kasi, ang cellphone ng Lola niyang si Annabelle Rama ang madalas na pakialamanan ni Venice dahil ayaw pang pumayag ni Ruffa na magka-cellphone ang bunsong anak.

***

Bukas ang 20th birthday ni Barbie Forteza, pero malamang ay wala siyang malaking selebrasyon.

Ayon sa nanay ni Barbie, halos isang buwan na kasing may advance celebrations ang dalaga.

“Ang dami po kasing nagbibigay ng birthday treat sa kanya. ‘Yung iba nga po, masyadong advance pa. Malamang po, sa bahay lang kami. O kaya po, magdi-dinner lang kami sa isang favorite restaurant namin,” sey ni Mommy Amy.

Sabi ni Mommy Amy, ang pinaka-memorable na advance birthday celebration ni Barbie ay ‘yung sa Pagkakaisa Elementary School kung saan nag-aral ang kanyang anak.

Barbie Forteza
Barbie Forteza

“Public school lang po ‘yon. Tuwang-tuwa si Barbie dahil nandoon ‘yung mga naging teacher niya. Marami pong tumulong sa amin para roon,” sabi pa ni Mommy Amy.

Inusisa rin namin si Mommy Amy kung may natanggap na bang advance gifts si Barbie mula kina Jak Roberto, Ken Chan, Addy Raj at Ivan Dorschner, pero sa pagkakaalam niya ay wala pa.

“Si Direk L.A. (Madridejos, naging direktor ni Barbie sa Meant To Be) pa lang po ang nagbibigay ng gift kay Barbie.

“Wala pa pong naibibigay ‘yung apat. Baka sa birthday celebration ni Barbie sa Sunday PinaSaya.

“Pero si Ivan, ang alam ko, umalis na at magbabakasyon sa Amerika,” kuwento pa ng nanay ni Barbie.

Samantala, bago raw simulan ni Barbie ‘yung pelikula ng Regal Entertainment with Ken, magbabakasyon muna ang dalaga sa USA.

Makakasama roon ni Barbie ang kanyang ate.

“Pupunta po sila sa New York. Manonood sila ng concert ni Bruno Mars. Then babalik sa Chicago si Barbie para sa total solar esclipse dahil kitang-kita raw talaga ‘yon doon.

“Actually po, ‘yon talaga ang gustong makita ni Barbie sa bakasyon niyang ‘yon. Aalis siya ng August 14 at August 25 ang dating niya rito,” kuwento pa ni Mommy Amy.