Ruffa, TIIS-GANDA para kay Jordan

Jordan at Ruffa

Like her friend Carmina, lately ay nadadalas sa gym si Ruffa Gutierrez.

May special diet din si Ruffa dahil summer na at nadadalas na naman ang pagpunta nila sa beach.

Ayaw ni Ruffa na hindi siya makapag-swimsuit kapag nagbi-beach sila ng boyfriend na si Jordan Mouyal at kanyang mga kaibigan.

Kaya tiis-tiis din siya sa kae-exercise at kada-diet, huh!

The last time na nakasama namin si Ruffa, obvious na malaki na ang ipinayat niya like her brother Raymond Gutierrez.

Aside from diet and exercise, may ilang treatments din na ginagawa si Ruffa sa Belo Medical Clinic, kaya mas nakakatulong ‘yon na ma-maintain niya ang kanyang sexy figures.

***

NAALIW kami sa himutok ng misis ng isang aktor na produkto ng Pinoy Big Brother (Teen Edition) tungkol sa isang babaeng fan na nagpa-picture kasama ang kanyang mister.

Nasa isang government agency sila at nagpapa-renew ng documents nang lumapit sa aktor ang babaeng fan.

Ang dialogue ng babaeng fan ay kung puwedeng akbayan ito ng aktor para kunwari ay close silang dalawa.

Ang nakakaloka, pinasasama pa ng babaeng fan ang baby ng aktor para kunwari ay ito raw ang nanay.

Sabi ng misis ni aktor, sa harap pa niya mismo sinabi ng babaeng fan ang bagay na ‘yon, kaya nakakagigil.

Hindi selosa ang misis ni aktor, pero medyo nakakawindang daw ang ganoong fans, huh?!

Sino si aktor? Nakilala siya noon dahil sa hairstyle niya na big and curly at nagbida siya noon sa isang fantaserye na ginampanan sa pelikula ng ilang aktor katulad ni Janno Gibbs.

***

The last time na nakita namin si Carmina Villarroel sa Watsons event sa SM Megamall, obvious ang p­agiging very fit niya.

Sa ilang posts ni Carmina sa Instagram, makikita na madalas siyang nagwo-workout.

Kahit galing siya sa trabaho, like ‘yung minsang nag-pictorial siya para sa isang endorsement, imbes na umuwi’t magpahinga ay deretso siya sa gym.

Mahilig ding mag-gym ang mister ni Carmina na si Zoren Legaspi, kaya pareho silang very fit.

***

May ilang loyal fans ng loveteam nina Ivan Dorschner at Barbie Forteza (VanBie) ang nagko-complaint na mas pinapaboran ng writer ng Meant To Be si Ken Chan.

Kaibigan daw kasi ng writer ng Meant To Be si Ken, kaya mas marami siyang eksena compared kina Ivan, Addy Raj at Jak Roberto.

Kung ang ibang mga artista ay pumapatol sa bashers nila, ang writer ng Meant To Be, pumatol din at talagang sinagot ang fan ng VanBie.

Sinabihan pa ng w­riter ng Meant To Be ang VanBie fan na ito na lang ang magsulat ng gusto nitong mangyari sa takbo ng istorya ng kilig-serye ng GMA 7 dahil nagmamarunong ito!

Sinabihan din ng ­w­r­iter ang VanBie fan kung gusto nito na isa-isahin niya ang moments ng ch­aracter ni Barbie sa Meant To Be sa iba pang leading men niya.