Nag-post ng throwback picture ang Pinay beauty queen, model at actress na si Ruffa Gutierrez sa kanyang social media account.
Sa nasabing photo, ibinalandra niya ang kanyang sexy body na nakasuot ng one-piece swimsuit na kuha pa noong 1998.
Lalo na’t summer na, gusto ring ipakita ng Miss World 1993 second runner-up kung gaano siya ka-tan at ka-fit.
Marami ang pumuri sa kanyang litrato at napabilib sa kanyang kaseksihan noong kabataan niya.
May ilan din namang ikinumpara ang kanyang hitsura noon at ngayon.
Ito ang ilang hanash ng mga netizen: “Miss Ruffa, you still look great yesterday and today even with two young lovely daughters.” “Don’t fool us.
This was taken days ago… You never age,” “Mas maganda talaga pagkabataan pa… Natural,” “You’ve always been fabulous!!! A true-blue beauty queen! Love you, Ruffa!” “Di talaga lahat binibigay. Beautiful face but with pike legs naman.” (Archie Liao)