MUGTO ang mga mata ni Ruffa Gutierrez noong Friday kaya hindi siya naka-attend sa event ng sikat na photographer na si Marc Nicdao.

Ooops, huwag kayong mag-isip na baka dahil sa kaniyang lovelife kaya umiyak si Ruffa, huh!

Umiyak nang umiyak si Ruffa dahil sa awa sa mga anak na sina Lorin at Venice na masyado na raw na-attach sa binili niyang dog na less than 24 hours pa lang sa kanila ay nagkaproblema na.

“Noon pa nga kasi gusto nina Lorin at Venice na magkaroon ng dog, so, finally, nag-decide na ako na bumili. Baby pa ‘yung dog na napili namin, kaya nag-down pa lang ako and after a week, saka pa lang inihatid sa amin. Napansin lang namin na parang mahina ‘yung dog at tulog nang tulog.

“Sabi ko, baka dahil baby pa nga o naninibago pa lang sa house namin, pero the next day, dinala namin sa veterinarian, on our way sa clinic, napansin ni Jordan (Mouyal, her boyfriend) na parang namumuti ‘yung lips at gilagid ng dog at nang makita na ng veterinarian, ang sabi, very sick daw ang dog and suwerte na kung maka-survive ng another day.

“Ayun, sobrang iyak na ni Ve­nice na sobrang na-attach na sa dog. Noong dinala kasi sa amin ang dog, gusto pa ni Venice na patulugin sa tabi niya, pero hindi ako pumayag,” kuwento ni Ruffa.

Sa sobrang awa ni Ruffa sa anak, pati siya, sobrang iyak na rin, kaya mugto ang kaniyang mga mata.

“Lahat ng lakad ko, pina-cancel ko tuloy,” sabi ni Ruffa.

‘Yung binilhan naman daw ni Ruffa ng dog, panay ang sorry sa kaniya at hindi raw alam na may sakit pala ang dog na ibinenta sa kaniya.

Sabi ko naman kay Ruffa, breeder talaga ng dogs ang binilhan niya, kaya imposible naman na hindi man lang nito nakita na may sakit na pala ang dog na dinala sa kaniya.

Naalala tuloy ni Ruffa ‘yung dog nila sa Amerika na sobra niyang iniyakan nang mamatay.

Free concert handog ni Imelda Papin sa 40th anniv

DAHIL 40th showbiz anniversary ni Imelda Papin ngayong taon na ito, balak niyang magkaroon ng big cele­bration, isang concert na free lang para sa kaniyang fans.

Kakausapin daw ni Imelda ang lahat ng mga artist’s singers na malalapit sa kaniya para mag-join sa selebrasyon na ito.

“Wala pa nga lang akong venue,” sey ng ngayon ay KAPPT president.

Sa ngayon, sa Valentine concert nila nina Claire dela Fuente, Rico J. Puno at Rey Valera muna tumututok si Imelda.

Sabi nga niya, masaya silang apat na mala­kas ang benta ng tickets para sa Timeless OPM nila na mapapanood sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World on February 14.

Teka! Uuwi kaya sa bansa ang boyfriend ni Imelda na madalas niyang puntahan sa Amerika?

Yes, may lovelife pa rin naman si Imelda, huh!

Robin, Jodi, Richard teleserye arangkada na bukas

KAHIT busy sa Sana Dalawa Ang Puso morning series nila nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap (na magpa-pilot telecast na bukas sa ABS-CBN), tutok na tutok pa rin si Robin Padilla sa rebuild Marawi City advocacy niya.

Actually, abala si Robin sa pagre-raise ng funds para roon.

Ayon sa aktor, bukod kina Piolo Pascual at Bb. Joyce Bernal, maram­i pang ibang mga tumutulong sa kaniya­ para sa proyekto niyang ‘yon.

Marami rin kaming narinig na nagdo-donate kay Robin, pero ayaw na lang ipabanggit kung sino-sino sila.

Marami naman ang hanga kay Robin sa dedikasyon niya sa nasabing proyekto.

Samantala, sobrang excited si Robin sa pilot telecast bukas ng Sana Dalawa Ang Puso.

Nang makita namin si Robin last Friday, nag-ahit na siya ng kaniyang bigote dahil kailangan na niyang tanggalin ‘yon sa script ng Sana Dalawa Ang Puso.

Paminsan-minsan, hinahaplos-haplos pa rin ni Robin ang kaniyang mukha at nakakalimutan nga raw niya na naahit na pala niya ang kaniyang bigote.