Ruffa type pasampal kay Eula

NI: ARCHIE LIAO

Habang hindi pa nagre-resume ang taping ng kanyang teleseryeng “Love Thy Woman”, enjoy ang dating beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez sa kanyang bagong online show .

A breath of fresh air para kay Ruffa ang maghost ng digital show sa panahon ng enhanced community quarantine o lockdown.

Naniniwala kasi siyang malakas ang aliw factor ng show sa mga taong nabuburyong sa kanilang mga tahanan na ang layunin ay makapaghatid ng latest chika sa showbiz.

Ayon pa kay Ruffa, na-miss niya ang pagho-host ng talk show.

Sa kanyang panayam kay Eula kahapon, inamin niya na na-miss na niya ang bumalik sa taping ng kanilang TV series na pansamantalang nahinto dahil sa lockdown.

Looking forward na rin daw siya sa tapatan o confrontation scenes nila Eula kung kanino gusto niyang magpasampal.

Sa Love Thy Woman, ginagampanan ni Ruffa ang role ng ikatlong kabit ng karakter ni Christopher de Leon.