Kung sasali lahat ang mga nominadong runners sa ikaapat na yugto ng Imported-Local Challenge Series, tiyak na aabangan ito ng mga karerista.
Lahat kasi ng nominadong kabayo ay may kakayahang manalo. Ito ay sina: Bentley, Iba Suwerte Ko, Memphis Girl, Our Angel’s Dream, Blue Berry, Heiress Of Hope, Kanlaon, Lakan, Malaya, at Misty Blue.
Ang unang apat na nabanggit ay mga imported habang mga locals naman ang iba.
Paglalabanan sa distansyang 1,600 meters ang karerang ito na merong kabuuang papremyong P500,000. Ang mananalo’y mag-uuwi ng first prize na P300,000, ang sesegundo’y tatanggap ng P112,500, ang tersero’t quarto ay bibigyan ng P62,500 at P25,000.
Sa serye ring ito naglaban ng pukpukan si Lakan (na nanalo na ng isang leg dito) at Bentley hanggang makarating ng finish line. Halos nangusuan lang ni Lakan si Bentley para manalo noong Abril 2.
Sa pagsali ng iba pang imported at locals, tiyak na puwedeng mag-iba ang resulta ng karerang ito kaya inaabangan na ng mga karerista ang labang ito sa Linggo.