Sugatan ang pulis at tatlong iba pa sa naganap na saksakan sa Malabon City.

Nakaratay sa Tondo Medical Center sina PO1 Marbert Tibe, 32, nakadestino sa Police Community Precinct 3 ng Malabon Police matapos magtamo ng saksak sa kaliwang kamay.

Ginagamot din sa pagamutan sina Renato Mondejar, 55, construction worker, na nagtamo ng saksak sa leeg; Arjo Regalanthsuelo, 25, kawani ng Department of Public Works and Highway, na tinamaan ng bala sa kaliwang hita, gayundin ang suspek sa insidente na si Christopher Uciman, 30, matapos mabaril sa siko at kaliwang tuhod.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-11:45 Linggo ng gabi, nagkaroon ng mainitang diskusyon sina Mondejar at Uciman sa kahabaan ng Block 11, Brgy. Longos.

Kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima kaya naman tumawag ng pulis ang mga residente doon, dito rumesponde si Tibe at pilit na pinasusuko si Uciman, pero sa halip na sumunod, sinugod ng huli ang parak at sinaksak.

Dahil dito, binunot ng pulis ang kanyang service fire arm at binaril ang suspek. Sakto naman na naroroon sa lugar si Higum at tinamaan ng ligaw na bala.

Kinasuhan ng direct assault at frustrated homicide si Uciman. (Orlan Linde)