Ruru, Bianca magka-holding hands sa fashion week

Karay-karay ni Ruru Madrid ang rumored girlfie nito na si Bianca Umali sa last night ng Bench Fashion Week 2019.
Magka-holding hands na dumating ang dalawa sa Bench Tower sa BGC nu’ng Sunday night, ayon sa aming source.

Magkatabing nanood ng fashion show ang rumored ­lovebirds at si Ruru pa ang ­kumuha ng pics ni ­Bianca with Bench big boss, Mr. Ben Chan.

Benchsetter si Ruru, pero si Bianca, ang alam namin ay may ibang apparel brand na ine-endorse kasama ng ka-love team nito na si Miguel Tanfelix.

Hindi kami magu­gulat kung maiispatan na namang magkasama sa biyahe sina Ruru at Bianca one of these days dahil malamang magbakasyon ang pretty ­Kapuso star pagkatapos ng primetime series nito na “Sahaya”.

Minsan nang nagba­kasyon ang RuCa sa Japan at nakita rin ­silang magkasama sa Siargao.

Nagsimula na kagabi ang huling linggo ng Kapuso epicseryeng “Sahaya” at tiyak na mami-miss ni Bianca ang biggest­ role niya na ito, na isa rin sa pinakapaborito niyang karakter na nagampanan.

Memorable daw sa 19-anyos na dalaga ‘yung pagsayaw niya ng ‘Igal’ (dance/prayer ng mga Sama Dilaut) sa gitna ng dagat sakay ng bangka ni Sahaya.

“The best thing about giving life to ­Sahaya was learning her culture, ang kultura ng mga Badjao. All the studying wasn’t just to learn for my role, but unexpectedly, I learned a lot of life changing lessons too,” sambit ni Bianca.

Andrea, Kyle todo sayaw sa party ni Lorin

Sobrang enjoy ang “Kadenang ­Ginto” stars na sina ­Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa 16th birthday party ni Lorin Gutierrez nu’ng Sabado.

Dance galore sina Andrea at Kyle with their teen friends na gaya nila ay ang tataas ng energy at walang kapaguran sa dance floor.

Gaya ng panga­nay ni Ruffa Gutier­rez na si Lorin ay 16-anyos din pareho sina Andrea at Kyle. Ob­vious na good friends ang mga bagets kaya ang saya-saya nila nu’ng party.

Si Andrea, napansin naming panay ang celfone at mukhang ka-text ang ka-love team niyang si Seth Fedelin.

Nang tanungin namin ang bagets kung nasaan si Seth, ang sagot sa amin ni Andrea ay nasa pamilya raw nito sa Cavite.

Understandable na wala roon si Seth, pati na si Francine Diaz na ka-love team naman ni Kyle dahil hindi naman friends ni Lorin ang mga ito tulad nu’ng dalawa.

In fairness, kahit sina Andrea at Kyle ang magkasama sa party ay hindi namin sila nakitang swit-switan or anything, kahit pa alam naming type ni Kyle noon si Andrea bago pa pumasok sa eksena si Seth.

As in dance lang sila nang dance with their friends at kabilang sa grupo nila ang younger brother ni Julia Barretto na si Leon na humahataw rin sa dance floor.

Ang daming napapalingon sa guwaping na si Kyle dahil napakatangkad nito for his age at ­mapapansin mo talaga ang bagets.

Bet na bet namin si Kyle, na eversince ay mabait na at ma-PR mula pa nu’ng una namin ­siyang ma-meet bilang isa sa finalists ng “The Voice Kids (Season 2).”

PAK!!

Migo sinama ang dyowa sa bakasyon

Sarap ng bakasyon ni Migo Adecer sa hometown nito sa Sydney, Australia kasama ang non-showbiz girlfriend nito.

Tapos na pala kasing kunan ang mga eksena ni Migo bilang Jordan sa “Sahaya” kaya nauna na siya sa co-stars niya na magbakasyon.

Swit-switan ang post ni Migo na nagwa-wine-wine sila ng GF niyang si ­Katrina Mercado near the water, na may view ng Darling ­Harbour bridge at Sydney ­Opera House.

Namasyal rin sila ng nobya niya sa Featherdale Wildlife Park at pinet nila ang isang cute na kangaroo.

Obvious na sobrang inlabey ang 19-anyos na binata sa kanyang syota dahil may caption pa siya sa pic nila na, “All these landmarks and you’re still the one that takes my breath away.”

Wow naman! Cute ng bansag sa kanila ng GF niya na Kat & Doug. Douglas Errol Dreyfus Adecer kasi ang real name ni Migo kaya Doug ang kanyang nickname.(Allan Diones)