Ruru inaalat ang career

After ng kachipang isyu na muntik na umano nitong masagasaan si Ruru Madrid sa parking lot ng Megamall, at least ngayon ay may magandang balita sa Kapuso star na si Bianca Umali.

Si Bianca ang napiling magbida sa 3rd season ng original series ng HBO Asia na “Halfworlds” na kukunan dito sa Pilipinas.

Biglang-bigla ay si Bianca ngayon ang bongga habang ang rumored boyfriend niyang si Ruru ay floptsina ang movie with Jasmine Curtis Smith.

Actually, very promising naman talaga ang “Sahaya” star na si Bianca. Huwag lang itong magbaliw-baliwan sa pag-ibig ay malayo ang mararating ng 19-anyos na dalaga.

Juday ‘di nakasipot sa Cairo Filmfest

Sayang at na-miss ni Judy Ann Santos ang kanyang moment na tanggapin nang personal ang kanyang first international award dahil hindi siya nakapunta sa 41st Cairo International Film Festival.

Unang Best Actress award ni Juday sa ibang bansa ang napanalunan niya (para sa pelikulang “Mindanao”) sa nasabing filmfest sa Egypt at nakakapanghinayang na wala siya roon para tanggapin ‘yon.

Personal na tinanggap ni Nora Aunor ang kanyang Best Actress award (para sa “The Flor Contemplacion Story”) sa Cairo filmfest nu’ng 1995.

24 years after magwagi ng Superstar sa nasabing pestibal ay ang Young Superstar naman ang nakasungkit ng nasabing tropeo.

Ang sabi sa amin ay sobrang hectic ng sked ni Juday kaya hindi ito nakalipad papuntang Cairo. Bukod sa kanyang teleserye ay abala raw ang aktres sa bubuksan nitong bagong branch ng Angrydobo, ang restaurant business nito.

Nagawan sana ng paraan ‘yung schedule ni Juday dahil ang mga ganitong pagkakataon ay minsan lang mangyari at mahirap nang maulit.

Ang Cairo IFF ang nag-iisang filmfest sa Middle East at North Africa na may ‘category A’ status na katulad ng Cannes, Venice at Berlin kaya hindi ito basta-basta.

Nang gawin ni Juday ang “Mindanao” ng Cannes-winning director na si Direk Brillante Mendoza ay expected na niyang rarampa siya sa iba’t ibang film festivals abroad, so sayang at hindi naisingit sa sked niya ang Cairo.

Sa Busan filmfest ay nakadalo si Juday with Direk Brillante at naisama pa niya ang mister niyang si Ryan Agoncillo nang mag-world premiere doon ang “Mindanao” last October.

Bukod sa Best Actress win ni Juday ay nanalo rin ang “Mindanao” ng Henry Barakat Award for Best Artistic Contribution.

Graded A ng CEB ang “Mindanao” na pasok sa walong entries ng MMFF 2019 sa December.

Nu’ng announcement presscon pa lang ng final 4 entries ay sinabi na ni Iza Calzado (ng “Culion”) na mukhang si Juday ang magbi-Best Actress at expected na ngang mangyayari ‘yon sa darating na MMFF.

Pumalpak sa pag-whistle kinampihan ni Angeline

Pati ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto ay napareak sa nangyari sa Kapuso contestant na si Jeniffer Maravilla.

Nag-viral ang video ng failed whistle attempt ng nasabing “The Clash” contestant at pinagpiyestahan ‘yon sa social media.

Tila naapektuhan si Angeline na kung ano-ano ang sinasabi tungkol kay Jeniffer at pinagtatawanan pa ito ng netizens.

Napa-tweet tuloy si Angge ng, “Sana ‘wag ganu’n. Hindi n’yo rin alam ang paghahandang ginawa nu’ng tao. Sadyang walang perpekto sa mundo. Walang taong hindi nagkamali.”

Actually, isa Jeniffer sa mga biritera ng 2nd season ng “The Clash”, talaga lang sigurong hindi madali ang mag-whistle at ‘yung mga katulad lang nina Mariah Carey at Morissette Amon ang nakakagawa nito.

Tuloy ang labanan sa “The Clash” ngayong gabi, na may special opening performance ang Top 7 kasama ang “American Idol” Season 11 finalist na si Jessica Sanchez.

Fighting pa rin si Jeniffer, kasama sina Aljon Gutierrez at Jeremiah Tiangco. Malalaman kung sino ang matatanggal kina Antonette Tismo, Janina Gonzales, Nef Medina at Thea Astley at sino ang tatlong matitira na bubuo sa Top 6.

Abangan ang heartbreaking episode tonight, na nagpaiyak sa “The Clash” judge na si Ms. Ai Ai delas Alas!