NADAGDAGAN ang pogi points ni Ruru Mad­rid dahil sa kanyang parkour skills.

Isang discipline training ang parkour at ito ang bagong pinagkakaabalahan ng Kapuso heartthrob.

Pinagkaguluhan ito sa social media dahil masarap panoorin si Ruru habang nagti-training.

Kita sa video na ipinost ni Ruru sa Instagram ang liksi ng kanyang mga kilos at ang nagsusumigaw niyang biceps.

Super hottie ang da­ting ni Ruru!

Marami ang nag-aabang sa kanyang role sa Book 2 ng Alyas Robin Hood.