Ruru winasak ang BiGuel

tonite-pak-allan-diones

Buking na buking na ang pagkakamabutihan nina Ruru Madrid at Bianca Umali, na spotted na magkasama sa Japan.

Actually, matagal-tagal na rin naming naririnig ang tungkol dito pero ayaw naming patulan dahil ang sagwa na ma-link si Ruru kay Bianca, na alam ng lahat na ka-loveteam ni Miguel Tanfelix.

Kahit sabihin pang break na sina Bianca at Miguel, nandiyan pa ang BiGuel loveteam at meron silang sariling mga fan na sumusuporta sa tambalan nila.

Akala namin ay kusang lalayo si Ruru para lang iwas-intriga at respeto na rin sa loveteam ni Bianca with Miguel, pero mukhang hindi rin nagpaawat ang dating ka-loveteam ni Gabbi Garcia.

Ayun, spotted ang RuCa (tawag sa Ruru-Bianca) na magkasamang nagpunta sa isang club sa Nagoya. Wala silang pic together, pero may netizen na nakapagpapiktyur sa kanila separately.

Tarayy, kebago-bago pa lang ng dalawa, nagbibiyahe na sila abroad together! Iba rin ang mga galawang Ruru!

At ilang taon lang si Bianca? 18-anyos. Habang si Ruru ay 20. Kalerky!

Tapos, habang nasa Japan ang RuCa, si Miguel naman ay solo flight na nagbiyahe sa Vietnam.

Medyo asiwa dahil magkakasama silang tatlo sa “Sunday PinaSaya”. Kahit pa sabihing wala na ang BiGuel, awkward pa rin na ang ex-GF ni Miguel ay na kay Ruru na.

Sad din ang mga fan na walang forever sa BiGuel. Parang kailan lang nang mag-debut si Bianca at maging legal na sila ni Miguel, tapos ngayon ay nasa ibang kandungan na siya.

Nakita namin sa Instagram Stories ni Ruru na nasa Harry Potter theme park siya sa Osaka, Japan. Siyempre, hindi niya ma-post ang pics at vids nila ni Bianca dahil maraming magrereak.

Eh pero, spotted din sila kamakailan sa isang tattoo shop at nagpalagay pa ang RuCa ng matching rose tattoo.

Ang hirit tuloy ng mga netizens ay huwag nang umasa pa si Miguel dahil inked for life na sina Ruru at Bianca.

So, tuluyan na nga bang winasak ni Ruru ang BiGuel loveteam?! Aray koh!

Ang alam namin ay nagreak ang ilang Kapuso executives sa isyung ito at pinagsabihan umano si Ruru.

Well… mukhang hindi ito nakinig at sumige pa rin kaya tuloy ang pagpapakaligaya ng RuCa!

‘Kalokah!!

Sharlene ayaw paasahin ang mga fan ng NashLene

Alam ni Sharlene San Pedro ang tungkol sa pagsagot kamakailan ni Mika dela Cruz kay Nash Aguas.

Sobrang natutuwa raw si Shar para kay Nash dahil ang tagal-tagal nitong hinintay ang moment na ‘yon.

May grupo sila nina Nash at Mika at lumalabas sila ng mga ito kaya alam niyang one year nang hinihintay ni Nash ang matamis na “Oo!” ni Mika.

Sabi sa amin ng 19-anyos na dalaga, alam niya lahat kahit nu’ng mga bata pa sila bilang sobrang close nga sila ni Nash.

Natuwa si Shar na pinakita pa sa kanya ni Nash ‘yung video na sobrang saya nito at umiiyak ito sa tuwa nang sagutin ni Mika.

As a friend, she’s very happy for the two of them.

Agree si Shar sa sinabi sa amin ni Nash na ayaw nilang magpaasa o bigyan ng false hope ang mga tao. Ganu’n lang daw talaga sila ka-close bilang magkaibigan.

Hindi raw naiinggit si Shar kay Nash dahil hindi pa niya naiisip ngayon ang pumasok sa relasyon. Ani Shar, matutuwa ang NashLene fans sa teen suspense-thriller movie na “Class of 2018” dahil sobra nilang komportable ni Nash sa isa’t isa at wala silang awkward moments kahit sa mga eksenang sweet sila.

Sobra raw silang nape-pressure habang papalapit ang showing nito, pero tiniyak ni Sharlene na makaka-relate dito lalo na ang mga bagets.

Kasama ng NashLene sina CJ Navato, Kristel Fulgar, Kiray Celis at marami pang iba sa “Class of 2018” na ipapalabas nationwide sa November 7 mula sa T-Rex Entertainment.