Muli na namang nadiskaril ang isa sa mga tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos na magkaaberya ang umano’y mga lumang “electrical sub-component” nito na nagresulta sa pagpapababa ng may 850 pasahero habang nasa kasagsagan ng rush hour kahapon sa Quezon City.

Ayon kay Aly Narvaez, MRT-3 media relations officer, bandang alas-4:30 ng hapon nang maramdaman umano ng drayber ng kanilang north-bound train na nagkakaaberya ang biyahe nito.

Nakasakay naman aniya agad sa ibang tren ang mga napababang pasahero dahil halos anim na minuto lang makalipas ang insidente ay duma­ting na ang sumunod na bagon.