Dati ay ipinagwawasiwasan lang ng Boston Celtics ang Brooklyn, pero iba ang angas ngayon ng Nets dahil kay D’Angelo Russell.
Sinamantala ni Russell ang pagkakatengga sa bench ni Kyrie Irving, nilista ang 18 sa kanyang 34 points sa third quarter at tinapos ng Nets ang 10-game losing skid sa Boston sa bisa ng 109-102 panalo Lunes nang gabi.
Wala pang naipanalo ang Celtics sa tatlong road games.
Huling tinalo ng Nets ang Boston noon pang Jan. 2, 2016. Bigla, nasa seventh place sa East na ang Brooklyn.
Pinahinga ni Irving ang bruised right quadriceps, humarabas ng 15-0 run sa third quarter ang Nets at na-outscore ang Celtics 44-21 sa period. Tatlong 3s ang pinahaginit ni Russell sa blitz na ‘yun tungo sa 76-59. Pagkatapos ng basket ni Terry Rozier sa Boston, kumana na naman ng seven straight points ang Brooklyn para sa 83-61 lead.
Nagdagdag si Jarrett Allen ng 19 points at 12 rebounds sa Brooklyn, may 19 points din si rookie Rodions Kurucs.
Binitbit ng 34 points ni Jayson Tatum ang Celtics na natalo rin sa Miami at Orlando. Umayuda ng 22 points si Jaylen Brown.
Umpisa pa lang ay wala na sa ritmo ang Boston, napatawag ng timeout si Coach Brad Stevens 29 seconds pa lang sa laro.
Nagbaon ng pitong 3-pointers si Russell sa kanyang second-highest points total sa Nets.