Sa paglabag sa doping rule ng World Anti-Doping Agency (WADA), ban ang Russia sa mga major international sporting competition gaya ng Olympics at World Cup.
Bukod dito, plano rin ng WADA compliance review committee (CRC) na kasuhan ang Russia dahil sa pagsuway sa mga panuntunan at kawalang kooperasyon ng Russian Anti-Doping Agency (RUSADA) sa Russian sports.
Balak ng WADA executives na mag-meeting sa Laussane, Switzerland sa Lunes para magbigay ng rekomendasyon, mapag-usapan at tuluyang masolusyunan ang nasabing gusot.
Sa ngayon ay may 21-araw na palugit lang ang bansa para makipag-ayos sa WADA at kung patuloy na susuway ay mapipilitan ang WADA na iakyat na ang isyu sa Court of Arbitration for Sports (CAS).
Sakaling ‘di magkaayos ay posibleng tuluyang madiskuwalipika ang Russia sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan at sa 2022 FIFA World Cup sa Qatar. (Aivan Episcope)