LONDON (AP) — Magpupulong nitong Linggo ang Internatio­nal Olympic Committee para resolbahin kung iba-ban ang lahat ng atleta ng Russia sa Rio Olympics dahil sa systematic, state-sponsored cheating.

Kulang na lang ay ilatag ang blanket ban– para sa lahat–pero puwedeng hayaan ng IOC ang individual sports federations na mag-desisyon sa case-to-case basis kung palulusutin ang Russian athletes sa kanilang events.

Isa ang doping crisis sa pinakamalaking ha­mon ng Olympic movement sapul ng boycott era noong 1980s.

Mag-uusap via teleconference ang ruling 15-member executive board ng IOC para timbangin ang isyu kung iba-ban ang buong Russian team sa games. nabanggit na ni IOC president Thomach Bach na kailangan balanse ang “individual justice” kontra “collective punishment.”

Kailangan na nilang magmadali, dahil sa August 5 na ang opening ng Rio Games.

Ang Russian track and field athletes ay pinatawan na ng ban ng IAAF, ang governing body ng sports, kasunod ng alegasyon ng state-directed doping. Inayunan ng Court of Arbitration for Sport ang desisyon nitong Huwebes.