Russian entries dedesisyunan ng 3-man panel

RIO DE JANEIRO (AP) — Nagtalaga ang International Olympic Committee ng three-person panel para ibaba ang final ruling kung sinu-sino sa Russian athletes ang papayagang sumabak sa Rio de Janeiro Games.

Sa huling pagkaka­taon bago ang opening ng games sa Biyernes ay nag-meeting ang IOC ruling executive board. Bumuo dito ng panel na magde-desisyon sa entry ng Russian athletes.

“This panel will decide whether to accept or reject that final propo­sal,” ani IOC spokesman Mark Adams. “We want to make it absolutely clear that we are the ones ma­king the final call.”

Kasunod ng pumutok na doping scandal ay natanggal ang mahigit 100 Russian athletes na konektado sa state-sponsored cheating. Mahigit 250 Russian athletes ang binigyan ng go-signal ng kani-kanilang federations para sumali.

Ibababa ang ruling bago ang opening ce­remony sa August 5.

Tatlong executive board members ang bumubuo sa panel: Ugur Erdener ng Turkey na chairman ng IOC medical commission, Claudia Bokel ng Germany na head ng athletes’ commission, at Juan Antonio Samaranch Jr. ng Spain, vice president ng modern pentathlon federation.