Ryan, ligtas na nakarating sa KHARDUNGLA

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

TAGUMPAY ang Himalayan adventure ni Ryan Agoncillo at ng kanyang riding team.

Tuwang-tuwa na ini-repost ni Judy Ann Santos-Agoncillo ‘yung video na kuha ni Ryan and his team doon sa pinakamataas na lugar sa Himalayas na puwedeng marating using motorbikes.

“Yehey!!!!! Good job, Team Pilipinas!!! And bubb, we are sooooo proud of you! Ang galing!!! I can’t wait to see you!” bulalas ni Juday sa Instagram, kasama ang pa-hashtag na #ConqueredHimalayas.

Nag-i-snow pa roon sa lugar kung saan nag-shoot ng video message sina Ryan at kita mong nilalamig sila at mga pagod ang itsura.

Pinasalamatan nila ang mga nagbigay ng pagmamahal at suporta sa kanila, kabilang na ang sponsors nila sa mapanghamong biyahe na ‘yon.

Gumawa ng history ang nasabing grupo bilang first Filipino motorcycle riding team to reach Khardungla, the ‘World’s Highest Motorable Road’ in the world sa taas na 18,380 feet.

Na-conquer nila ang Himalayas sa lamig na minus 5° at extreme road terrain and fatigue.
Ang Team PH ay binubuo nina Jimmy D.L. Barinaga, Bong Diaz, Omar Sebastian, Raul Ona, Dian Dayag, Kannan Sreedevi, at Ryan.

Narating nila ang nasabing pass nu’ng June 20, 2017 as planned, sa oras na 12:10 PM, India time (2:40 PM, Manila time).

Ayon kay Barinaga, “We feel greatly proud that we’ve made history by reaching and raising the Philippine flag for the first time at Khardungla.

“The experience of riding in extreme cold weather, rough and often ice slushed terrain that has stretched our physical, mental, and emotional being has humbled us deeply.

“We are glad that we have opened the gateway for other Filipino riders to conquer the Himalayas. To God be the Glory and Mabuhay ang Pilipinas!”

Sa wakas ay makakahinga na nang maluwag si Juday dahil nakarating nang ligtas si Ryan sa destinasyon nito.

Isa na namang pangarap (at nasa bucket list) ni Ryan ang natupad, so proud and happy wifey siyempre si Juday.

Malamang may bonggang celebration sila pagdating ni Ryan.