HAVEY: Ginawaran ng Reader’s Digest Asia Most Trusted Brands Awards sina Ryan Agon­cillo (Most Trus­ted Entertainment Presenter), Mike Enriquez (Most Trusted ­Radio Presenter) at Jessica Soho (Most ­Trusted New TV Presenter) sa isang seremonya sa Marco Polo Hotel sa Ortigas kasama ang ­Reader’s Digest investors sa Pilipinas at Asya.

Isang magandang pagkakataon iyun upang bigyang tribute ni Ryan ang mga tinitingala niyang broadcasters.

Sabi ni Ryan, “Sa ingay ng mundo nga­yon, mapalad ako na mahilera sa mga hinaha­ngaan ko, iginagalang at pinakikinggan — ang mga boss ko nu’ng una pa, si Sir Mike, Ma’am Jess at ang misis kong si Judy Ann Santos.”

Sa interview ni Ryan, naibalita niya na excited siya sa taping ng kanilang Holy Week Special presentation.

May nakaiskedyul na biyahe ang pamilya nila sa bahay nila sa Las Vegas for Ryan’s birthday.

May date ang mag-asawa sa Italy for their anniversary and Juday’s birthday.

Confirmed na babalik na ang Bet On Your Baby ni Juday at todo ang suporta si Ryan dito kahit na meron din siyang nakalinyang sari­ling kiddie show na Ryan’s Playlist.

Hiling niya sa network na hindi pagtapatin ang kanilang mga prog­rama, at kung magkagayun, si Ryan ang magpaparaya para sa comeback project ng asawa niya.

Isa pang excited na gagawin ni Ryan ang pagsama niya sa isang riding group papunta ng Himalayas sa June.

Isang malaking ho­nor mapasama rito dahil for mountain lovers and the vertically inclined, the Himalayas ­represent nothing less than the crowning apex of nature’s grandeur.

Pagmamalaki ni Ryan, “Here, dramatic ­forested gorges rise to skylines of snow-capped glaciated peaks through a landscape that ranges from high-altitude desert to dripping rhododendron forest.

“Home to some 40 million people, this is no alpine wilderness, but rather a vibrant mosaic of peoples, cultures and communities, criss-crossed by ancient tra­ding and pilgrimage routes that offer their own unique inspiration.

“We shall test our mettle against some of the world’s most audacious and dangerous roads, or set a more measured pace on a trek through yak pastures to prayer flag-strewn passes haunted by snow leopards and red pandas.

“I’ve been reading up on it, and I’m really excited,” sabi ni Ryan.

Nang tanungin ko si Juday about what she thinks about Ryan’s trip to the Himalayas, sabi ng Teleserye Queen, “Sobrang nasa ­bucket list niya yan, kapatid! Gustung-gusto niya yan noong bata pa siya. Suportahan na lang natin siya dyan!”

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.