HAVEY: Paalis na this weekend si Ryan Agoncillo para maging bahagi ng Philippine Team na magmomotor paakyat ng Himalayas.
Anim silang team members at si Ryan ang nag-iisang taga-showbiz na kasama sa grupo.
Puspusan ang kanilang training — sa kanilang motor, sa klima, sa fuel na gagamitin nila, sa gamit na dadalhin.
Baon nilang lahat ‘yun sa kanilang pagmomotor pati sa pagkain at kung paanong hindi mabigat ang kailangang bagahe at paano makaka-source ng pagkain sa lugar na mismo ay pinaghandaan nila.
Kung lahat na lang napaghandaan, hindi ba nahirapan si Ryan na humingi ng permiso sa asawang si Judy Ann Santos?
Malaki ang security risk sa biyaheng ito at nataon pang Father’s Day (June 18) ay nasa malayo ang padre de familia nila?
Ang sagot ni Ryan, “Walang problema kay misis. Hindi siya ever humahadlang sa mga personal na plano ko, and she knows that it has always been my target and my dream to ride to the Himalayas.”
Paano nangyari ‘yung pagkakasama ni Ryan sa grupo at maging opisyal na kinatawan ng Pilipinas?
At bakit hindi niya kasama rito ang ka-grupong BRAPPACK tulad nina Jericho Rosales, Drew Arellano, Paolo Abrera, at iba pa?
“Ibang grupo kasi ito, eh, at inimbita rin lang ako para makasama,” sabi ni Ryan.
“On a random Sunday, nag-train ako sa ibang track. Tapos, nandu’n si Jimmy Barinaga na ‘di ko madalas makita.
“Sinabi niya sa akin ‘yung tungkol sa trip sa Himalayas at may open pa raw silang slot at baka gusto ko raw sumama.
“Sabi ko nga kay Juday na nasa bucket list ko ‘yan! Kaya ok na ok sa akin.
“Noong umuwi ako sa bahay pagkatapos ng training, tinanong ako ni Juday, ‘How was the ride?’ Sabi ko, ‘It was fantastic. And that I’m going to the Himalayas with the group.’
“Ang sagot lang ni Juday ay, ‘Talaga lang, ha?’
“‘Yung Kuya ko, tawa lang nang tawa over lunch. Pero sa loob ko, gusto ko talaga!
“Ang mahirap lang ay hindi ‘yung pagpapaalam sa asawa namin at trabaho. It’s also not the preparation.
“In fact, we have over-prepared, and that’s good. We’ve been discussing ‘til wee hours in the morning and have anticipated any and every possible obstacle and problem.
“We really have to share and lay out all our concerns and even fears and challenges in order for the adventure to be real fun.
“But what everyone’s asking, at pati kami, when we ask each other is we are ready and all prepared, until this day, no one has answered an absolute YES!
“Hindi namin napaghandaan ‘yung lungkot na iiwanan ang pamilya namin,” ang nakaka-touch na sagot ni Ryan.
Ang Himalayas ay isa sa pinakamataas at mahirap na trail ng mountains to be conquered.
The Himalayas form a mountain range in Asia separating the plains of the Indian subcontinent from the Tibetan Plateau.
It covers a big part of Nepal.
The Himalayan range has many of the Earth’s highest peaks, kasama na ang Mount Everest.
Hindi katulad noong nasa Fear Factor taping si Ryan sa ibang bansa, nag-i-Skype at nagkakausap sila ng pamilya niya sa pamamagitan ng telepono.
Dito ngayon, hindi sila puwedeng magdala ng telepono o radio dahil hindi kaya o wala talagang signal. No possible means of communication at all sa outside world.
Kaya sabi ni Jay Taruc na journalist na naghahatid ng coverages na ganito, mula sa salitang HIMALAYAS – ‘Himala’ ang mapagwagian ang ganitong challenge.
At ‘Malay’ tayong ‘Inaalay’ ito sa ating ‘Bayan.’
Sabi ng 6-Man Philippine riding team to the Himalayas, “Ito ang alay namin sa riders na Pinoy: Dream Big. Dream High. Just ride — and enjoy the journey to greater heights!”
***
WALEY: Mula sa Gourmand Award Winning Cookbook author at celebrated Filipino chef na si Chef Myke Tatung Sarthou, may isang karanasang hindi niya inaasahan noong isang umaga na ‘di kagandahan.
Sabi ni Chef Tatung, “I had the strangest experience today. While I was prepping for my segment on Umagang Kay Ganda this morning, our audioman, Bong collapsed and died on set just as we went on air.
“In just a few minutes, he turned blue while he was being resuscitated by the safety marshals at ABS.
“The medics were doing CPR off-cam while the hosts were in their usual cheery mood on camera yet very aware of what was going on in front of us.
“Most of us heard his final gasp of life and it was over for him, while for the rest of us it was on with the show.
“Well, life is indeed fleeting. Death can happen anytime, like a thief in the night they say, or just before you go on air, in the case this morning.
“Well, take care everyone. Let’s all live a full life until it’s our time to leave, ready or not,” pagtatapos ni Chef Tatung na head chef ng Alab Restaurant sa Mall Of Asia.