Ryan, nagparaya kay Baeby Baste

Ryan Agoncillo
baste
Baste

LIMANG taon na sa Martes si Baeby Baste ng Eat Bulaga. May birthday party siya sa araw na ‘yon at marami siyang imbitadong showbiz kids.

For sure, ang mga anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay imbitado sa party ni Baeby Baste.

Malapit na malapit ang bata kay Ryan.

Noong isang araw, naaliw kami habang pinanonood namin ang paglalaro nina Baeby Baste at Ryan.

Habang hindi sila nakasalang sa Eat Bulaga, naglalaro sila ng hide & seek.

Si Ryan ang taya, kaya si Baeby Baste ang nagtago.

Hanap naman si Ryan at nahuli niya si Baeby Baste at takbo sila pareho para mag-unahan sa base.

Nagparaya si Ryan at nauna si Baeby Baste, kaya na-save niya ang sarili at taya pa rin ang mister ni Juday.

Pati ang ibang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga, palaging kalaro ni Baeby Baste.

Si Bossing Vic Sotto, madalas ding katsikahan ni Baeby Baste at tinuturuan din siya ng mga gagawin sa show.

Ang nanay ni Baeby Baste na si Mommy Shiela ay tsinika-tsika na si Ruffa Gutierrez para papuntahin din sa birthday party ng anak sina Lorin at Venice Bektas.

Tinanong namin si Baeby Baste kung ano ang gusto niya para sa kanyang birthday, pero wala raw.

***

Sa presscon ng My Korean Jagiya, inusisa namin si Janice de Belen tungkol sa kanyang mga anak.

Wala na bang ibang mag-aartista katulad ni Inah de Belen?

“Sa ngayon, wala pa. Pero OK lang.

“Like si Yuan, nag-aaral pa. Kaya huwag na rin muna. Saka wala pa rin namang nag-o-offer, buti naman,” sey ni Janice.

***

At 40, sexy pa rin si Sunshine Cruz.

Maraming nag-aakalang nasa gene niya ‘yon kaya hindi siya tumataba.

Pero ang totoo, pa­lagi pa ring nagdyi-gym si Sunshine. Nagda-diet din siya.

Lately, panay rin ang Zumba niya kasama ang ilang mga kaibigan.

Alam ni Sunshine na kung hindi siya magiging maingat ay puwede siyang tumaba, kaya maalaga siya sa kanyang katawan.

Malayo si Sunshine sa ibang mga kasabayan niya na malalapad na.