WALEY: Waley si Rya­n Agoncillo sa Grand Finals ng Eat Bulaga 38th Anniversary Barkada Goals competition dahil sa matinding panana­kit ng likod na natamo niya sa wagas na rehearsals para sa performance nila ni Maine Mendoza na nagwagi sa elimination round.

In fairness kay Tatay Ryan, nakapag-rehearse pa siya noong Friday para sa Grand Finals.

Kuntodo sayaw, wasiwas at wagas na tapon, itsa at buwis buhay na lifting dapat ang kasama sa dance routine nila ni Maine.

Pero nang umuwi na siya ay sobra na siyang namilipit sa sakit sa likod.

Under observation siya nang gabi ng kanyang doktor na ang sabi, after his risky and freezing Himalayan experience, nakaapekto sa katawan niya ang sobrang lamig at parang napuwersa at nahatak ang kanyang likod.

Kaya umagang-umaga pa lang noong Sabado ay tinawagan na ako ni Ryan at nagsabing hindi niya kakayanin ang routine at halos hindi siya ma­kabangon noong araw na iyun.

Hindi ko alam kung makakapasok na siya sa Eat Bulaga ngayon — because he can do only do so kapag may clearance na ang kanyang doktor.

“Sorry, tumatanda na tayo,” sabi ni Ryan.

“Akala ko, Maneouvres pa rin ang peg, hindi pala. Maonders na.”

Nang kumpirmado na ang pag-a-absent niya sa show, tinawagan ni Ryan ang mismong show coordinators nila para magin­g OK pa rin ang adjustment ng choreography ni Maine kahit wala na siya.

I can attest to the fact na ingat na ingat si Ryan na ma-break ang spirit ni Maine na psyched para manalo.

Nag-post si Ryan ng heartfelt na mensahe para kay Maine, “To our lovely little spitfire @mainedcm, I’m so sorry I couldn’t be with you in the final battle.

“I know how much this means to you. What I would give to walk into this war with you and win it all.

“But I also know that you’re a true BAMF and you don’t need anyone’s help to slay.

“Please take care out there sweetheart. Remember what we spoke about last night, if you’re doing it for the win, there’s no need, it’s already in the bag.

“If it’s to make a mark, that’s done and over with right from our first performance.

“But if you want to do it for yourself, you will be guided accordingly. Do and show them all who’s the real QUEEN OF THE JUNGLE! Go Team RaMen!!

“P.S. ano man ang mangyari, ipagluluto daw tayo lahat ni ULA #dabarkadsgoals #teamramen #tunaynamandirigma”

Nag-phone patch pa si Ryan para magbigay ng good luck message kay Maine at mga supporters nila sa Team RAMEN.

Sinundan ‘yun ng post ng picture nilang dalawa nang manalo na ang team.

“Proud of you beautiful savage. #teamRamen #dabarkadsgoals,” ang sabi ni Ryan.

Maging ang asawan­g si Judy Ann Santos ay kuntodo cheer at post ­para sa Team Ramen, she said, “Maine, you did a very good job!!! Your professionalism and de­dication are what this industry needs.

“I’m looking forward to cook for you soon.”

Sagot ni Maine, “Sa­lamat po! Hope Kuya Ry is feeling better now.”

Kahit very competi­tive ang mga artista sa Eat Bulaga, nananatili silang team players, matatag na barkadahan at mapagmahal na pamilya.

Sa kumpas nina Tito, Vic and Joey, mahihiya kang not-to- be-on-your-toes lagi.

Mula sa amin dito sa Abante Tonite, happy 38th Anniversary to the longest running daily TV show sa buong mundo, ang Eat Bulaga.

MAHAL NAMIN KAYO, DABARKADS!

***

HAVEY: Malakas ang impact ng pagdalaw sa bansa ni Carlo Munoz kasama ng kanyang pamilya.

It has been more than 15 years since umalis siya sa bansa papuntang US after ng pagkamatay ng ama nila ni Leandro Muñoz.

Carlos has aged gracefully. Lalong gumwapo si Carlo na nagsabing bukas siyang magbalik-showbiz.

Sinabi rin niyang of all the female stars of today, nagagandahan siya kay Liza Soberano.

Akala raw ni Carlo, nakalimutan na niya ang limelight lalo na when he took on a lot of jobs sa US, pero nagsabi siyang gusto niyang subukan ito ulit kapag may chance.

Lumipad na si Carlo pabalik ng Estados Unidos kahapon ngunit we hope to see more of him.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

One Response

  1. odettetheIMPAKTA nasan ka na. namiss mo to, labas ka na muna dyan sa wetpu ni kabayo sama mo na rin si MarianoRivero_yut …hakhakhakhak