tonite-pak-allan-diones

Wala si Ryan Agoncillo nang mag-celebrate ng 39th anniversary ang ‘Eat Bulaga’ nu’ng Lunes, kaya ang tanong ng marami ay kung tsugi na ba sa show ang mister ni Judy Ann Santos.

Mahigit isang buwan nang hindi napapanood si Ryan sa ‘EB’ dahil sa therapy nito kaugnay ng ACL (anterior cruciate ligament) injury na natamo nito from a motorcycle accident last year.

Ayon sa kuwento sa amin ni Juday, kailangang mag-focus ni Ryan sa therapy nito dahil mabagal ang healing nito. Pagkatapos kasi ng surgery ni Ryan sa tuhod, after a month ay pumasok na ito sa ‘Eat Bulaga’.

Nang i-check ng surgeon later on, mabagal ang improvement ni Rye dahil hindi nito natutukan at hindi nakumpleto ang kanyang therapy kaya hindi ito nagiging fully recovered.

So, ang sabi ng doktor ay kailangan talagang tutukan at bigyan ng sapat na oras ang therapy. At ang time ng therapy ni Ryan ay ‘yung oras ng ‘EB’.

Sey ni Juday, at least 2x a day ay may workout si Ryan. 2 hours ang workout nito at 2 hours ang therapy.
Lumalabas naman daw ito ng bahay dahil hindi naman baldado, pero wala munang trabaho.

Ani Juday, sa 9 years na nasa ‘EB’ si Rye, most of the time ay hindi rin nito nakikita ang mga anak nila. So, ngayon ay may chance ito to be with the kids bilang summer break din ng mga bagets.

Natuwa si Juds sa mga nagtatanong at naghahanap kay Ryan sa show dahil napansin daw ang absence nito. Nakakataba raw ‘yon ng puso, but she said definitely, Ryan will be back.

Sa ngayon ay hindi pa niya masabi kung kailan makakabalik ang kanyang mister. Ang maganda raw sa ‘EB’ ay hindi ito pini-pressure at gusto rin nilang maka-recover ito fully.

Delikado kasi kapag natapilok ito or something, mas lalo raw hindi gagaling. So, it’s better to be safe than sorry, kesa mawalan na ng chance na ma-repair ang tuhod nito.

Ang message ni Juday sa mga nag-aalala ay, “Huwag na kayong mag-worry. Okey naman po si Rye. He’s very, very fine. He’s on his way to recovery sa ACL niya.

“Sa lahat ng naghahanap at nakaka-miss, nakakataba ng puso. Of course, on behalf of Ryan, malaking bagay sa kanya ‘yon na hinahanap siya, nami-miss siya.”

Maging ang Dabarkads ni Ryan sa ‘EB’ ay nagti-text dito kung okey ba ito and that means a lot to him, sabi ni Juday. Ramdam ni Rye na may genuine concern ang kanyang ‘EB’ family.

Hirit namin kay Juday, hindi kaya makabuo ulit sila habang nasa bahay lang si Ryan? Baka biglang masundan ang bunso nilang si Luna!

“Sundan agad? Two years old, mars? Hindi ko iniisip,” napapangiting sey ng aktres.

Dayalog ni Juday, ang hirap magpalaki ng bata ngayon. At sa edad niyang 40-anyos, sakto na raw ang tatlong anak dahil naibibigay nila kung anong kailangan ng mga ito.

***
Sa grand opening ng Estela resto-bar ni Gladys Reyes namin nakatsikahan si Juday.

Sobrang natuwa si Gladys na nakarating sa kanyang pa-event ang BFF niyang si Juday para mag-cut ng ribbon.
Hinintay talaga ni Gladys si Juds, kaya ang tagal nang bukas ng nasabing resto, pero nu’ng Martes lang ito nag-grand opening dahil noon lang available si Juday.

Si Juday ang chef sa totoong buhay, pero si Gladys ang may restaurant business. Anyareh?

Reaksyon ni Juday, mas malakas kasi ang loob ni Gladys kesa sa kanya. Malaking bagay daw ang time ‘pag may resto business dahil kailangan mo itong tutukan.

Nagkaroon ng dalawang resto-bar (Kilimanjaro at Carabana) si Juday noon na parehong nagsara.

Sey ni Gladys, sa kanilang mag-asawa ay si Christopher Roxas ang chef. Aminado siyang hindi siya marunong magluto na gaya ni Juday. So, kay Chris daw talaga ‘yung resto at sup­portive wife lang ang peg niya.

Bukod kay Juday ay dumating din ang mga kaibigan ni Gladys na sina Angelu de Leon, Donita Rose at si Ilocos Norte Governor Imee Marcos para mag-cut ng ribbon.