Ryan, sasayaw nang naka-high heels

IPINARARAMDAM talaga ni Ryan Agoncillo na he is back sa pagho-host ng Eat Bulaga.

Sasabak siya sa pagsasayaw nang naka-high heels sa “Challenge Accepted” segment.

Biro ng mga kasama niyang Dabarkads, hindi kaya ma-disorient ang magbi-birthday niyang anak na si Lucho kung bakit high heels ni Mommy ang gamit ni Daddy?

***

After a lackluster comeback appearance sa Hidilyn Diaz lifestory, isang mapanghamong papel bilang transgender ang in-offer kay Hero Angeles.

Bibigay na ba siya at tatanggapin niya ang pagiging kafatid sa federacion?

***

Lumantad ang lara­wan ng isang guwapong young actor kasama ang manager ng isang gay bar sa social media.

Nabunyag na dati palang receptio­nist doon ang bagets bago siya sumali sa isang reality contest.

Nagsimula si pogilicious actor sa hip-hop dance group na gabi-gabing sumasayaw roon at na­ging GRO.

Mabenta ang young actor sa entertainment bar na ‘yun. Dahil may lahi, pang-matinee idol ang dating.

Dahil produkto siya ng gay bar, i­nimbitahan siya sa awards night ng White Bird Entertainment Bar (Roxas Boulevard, Baclaran, Parañaque) mamayang 9:30 PM.

Makarating kaya siya?

Bibigyan ng awards ang mga outstanding na modelo at staff ng White Bird para magsilbing ins­pirasyon sa kanilang trabaho.

Host ang isang kome­d­yante at dating host ng noontime show. Magpapasilip din ngayong gabi ang isang nagbibidang indie actor at titlero sa isang pageant .

Katakam-takam ang itsura, kaseksihan at ‘angry bird’ ng guest actor!

For reservation and inquiries, tumawag sa tel.# 851-2088 o 851-2089.

Puwede ring kontakin ang Visor nilang si GRETTA LOCCA (0929-128-2504) at si GELLIE IMPERIAL, Head Ma­nager (0921-557-1113).

‘Di ba, Direk Jordan Bautista?

***

Ngayong gabi na ang bday show ni Genesis Gallios sa One 690, #39 Roces Ave, QC.

Pinamagatang FAME (Fabulously Amazine Men & Extravagant), kaabang-abang ang mga payanig ni Mami Gen!

***

Mamayang gabi na rin ang Boldstar 2016 sa Jee Spot, West Point St., Cubao, QC.

Magtatagisan ang 12 bikini hunks sa paligsahang in-organize ni Juluis Tria.

***

Super gigil at good vibes ang dala ng mga bagong Kapuso child actors na sina Yuan ‘Pao Pao’ Francisco, Balang & L­ianne Bautista.

Nakakaaliw manood ng GMA shows dahil sa ka-cute-an at galing sa pag-arte ng mga batang ito.

Si Pao Pao, kasama sa Encantadia bilang batang tagapangalaga ng ikalimang brilyante.

Si Balang, co-host ni Tom Rodriguez sa reality talent show na #Like.

Si Lianne ay nag­dagdag ng kulay sa series nina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa Juan Happy Love Story.

For sure, malayo pa ang mararating ng mga batang ito!