Nagpasalamat umano ang Korean actor na si Ryu Seung Ryong sa imbitasyon ni Aga Muhlach para sa premiere night ng ‘Miracle in Cell No.7” pero busy umano ito ngayon. Gayunpaman ay ipinaabot niya ang kanyang pagbati sa mister ni Charlene Gonzales.

Nao-overwhelm si Aga sa mga papuri na kanyang tinananggap dahil sa mahusay niyang pagkakaganap sa pelikulang “Miracle In Cell No. 7” .

Although sa ­December 27 pa ang awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na gaganapin sa New Frontier Theater, matunog na ang pangalan ni Aga na siyang mananalong Best Actor. Kapag ito’y mangyari, ito bale ang ­magiging pangatlong Best Actor award na makukuha ni Aga sa MMFF kasunod ng “Bakis Labis Kitang Mahal” in 1992 at “May Minamahal” in 1993.

Kylie-Jake ‘di raw nagli-live in

Personal na pina­bulaanan ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca na nagli-live-in na sila ng kanyang dating beauty queen-turned actress girlfriend na si Kylie Versoza. Nakapanayam namin siya for our online program sa Abante Tonite, ang “Celebrity Talk”.

Sinabi ni Jake na they both live in BGC (Bonifacio Global City) in Taguig. Magkalapit ang kanilang tirahan kaya napagkakamalan silang nagli-live in. Madalas silang makitang magkasama either sa condo ni Jake o sa unit ni Kylie.

At 32, seryoso na umano ang aktor pagdating sa ­usaping ­pag-ibig. Umaasa siya na sana’y sila na ang magkatuluyan ng ­beauty-queen.

Kitang-kita kina Jake at Kylie ang pagiging in-lovey ngayon.

Samantala, first time na ­nakatrabaho nina Jake at Pokwang sina Bossing at Maine sa Mission Unstapabol: The Don Identity”. Hindi ikinakaila ng dalawa na pareho umano silang na-starstruck sa ­dalawang stars na identified sa Kapuso ­network.

“It was an experience working with Bossing and Maine,” pag-amin ni Jake.