BENTANG-BENTA sa televiewers ang mga programang pinalalabas sa GMA Network tuwing hapon.

Pataas nang pataas ang ratings ng mga ito.

Unstoppable ang Ika-6 Na Utos, Impostora at Haplos sa paghahatid ng makapigil-hiningang mga eksena, lalo na ang palaban scenes nina Sunshine Dizon as Emma, Kris Bernal as Nimfa, and Sanya Lopez as Angela.

Kapansin-pansin din ang mga hitad na kon­trabida ng mga seryeng ito na sina Rosette na ginagampanan din ni Kris,  Ryza Cenon as Georgia at Angelika dela Cruz as Geneva, at si Thea Tolentino bilang si Lucille.

Sa galit ng viewers sa panggugulo nila, kahit sa personal social media accounts nila ay grabe silang i-bash.

Bet ng fans na ­ingudngod sila sa inidoro para makita ang hinahanap nila.

“Ang sarap pag-umpugin nina Ryza at Angelika!” talak pa ni Leklek Tumalad alias Virginia Pakokak.

Nakakagigil!

This just means how effective they are as kontrabidas. Good job, girls!