Naki-bonding ang cast ng highest rating daytime drama na Ika-6 Na Utos sa kanilang loyal fans sa Kapuso Mall Show sa Gaisano Mall Davao.
Ipinakita ng mga Dabawenyo ang suporta nila sa programa sa mainit na pagtanggap kina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Mike Tan at Gabby Concepcion.
Patuloy na umiinit ang mga ganap sa Ika-6 Na Utos sa walang humpay na pagmamahadera kay Emma (Sunshine Dizon) ng magkapatid na Georgia (Ryza Cenon) at Geneva (Angelika de la Cruz).
Feel na feel ng fans na ibitin nang patiwarik ang magkapatid na hitad!
***

SULIT na sulit ang pagdiriwang ng mga Kapusong Dabawenyo ng Kadayawan Festival.
Si Dingdong Dantes ang nanguna sa mga bigating artistang nakisaya sa Davao!
Sakay ng Kapuso float ang Alyas Robin Hood lead actor sa Pamulak sa Kadayawan (Kadayawan Float Parade).
Kasama ni Dingdong sa float ang kanyang mga leading lady sa serye na sina Andrea Torres at Solenn Heussaff.
Hindi natapos rito ang kasiyahang hatid ng Alyas Robin Hood. Nagtungo sina Dingdong, Andrea at Solenn sa SM City Davao para sa nakakakilig na Kapuso Mall Show.
***
Malalakas na hiyawan din ang sumalubong sa cast ng My Korean Jagiya.
Pinangunahan nina Heart Evangelista-Escudero at Alexander Lee ang Kapuso Mall Show sa SM City Davao.
Mainit ang pagtanggap ng mga Dabawenyo sa kanila!
Dagdag na kilig treat ang pinadama ng co-stars nilang sina Edgar Allan Guzman at Myke Salomon.
Ang bagong hosts ng All-Star Videoke na sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya, nagpatikim ng kantahan at katatawanan sa parehong mall show.
Game na game ang mga Dabawenyo sa pagkanta at paghula ng lyrics kasama sina Solenn at Betong.
To know more about the Network’s regional events, follow GMA on Facebook at www.facebook.com/gmanetwork and GMA Regional TV at www.facebook.com/GMARegionalTV and on Twitter and Instagram via @GMARegionalTV.
***
Love ni Solenn Heussaff ang pagkanta kaya enjoy na enjoy siya sa pagho-host ng All-Star Videoke, na magsisimula ngayong Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA Sunday Grande.
Ani Solenn, “Ito talaga ‘yung first hosting gig ko sa GMA Entertainment so iba ‘yung feeling kasi sobrang bongga ‘yung preparations sa lahat.
“Nandun ‘yung pressure but the excitement is there for me kasi I really like music and singing.
“So, dito magagawa ko talaga ‘yun.”