She is woman, here her roar! Iyan ang drama ni dating Kapuso at second StarStruck grand winner Ryza Cenon ngayong siya ay full pledged Kapamilya contract artist.
At ibang klase ang entrada ni Ryza, huh. Pwedeng tawaging TV Event of the Year ang kung saan isa siya sa bibida. Casting coup maituturing ang pagsasama ng mga powerful feminine na ito.
Ang mga estrellang kasali sa The General’s Daughter ay sina Gawad Urian Best Actress at YCC Best Performance winner Eula Valdes, YCC Best Performance winner Janice De Belen, at three-time YCC Best Performance winner at nag-iisang Diamond Star Maricel Soriano. Pangabog! Kasama pa ang tunay na Kapuso Primetime Queen dati at Kapamilya royalty na ngayon na si Angel Locsin. Kung hindi umalis si Locsin sa Kamuning network, malamang hindi naging big star for a season si Marian Rivera. Si Angel dapat ang Marimar noh!
Walang dudang Cenon is in great company. Hindi rin papakabog sa aktingan ang hitad dahil may best actress trophy na rin ito, at sa isang international film festival niya pa nakuha, para sa pagganap niya sa pelikulang Mr. and Mrs. Cruz. Inuwi niya ang Yakushi Pearl Award (Best Performer) na nagmula sa Osaka Asian Film Festival.
Siyempre pa, tumatak ang pagganap niya bilang Georgia Ferrer, ang kabit sa Ika-6 na Utos at marami ang na-arouse ang curiosity sa pelikula niyang Manananggal Sa Unit 23B kung saan may bonggang-bonggang masturbation ang aktres.
Pag si Cenon ay umabot sa kasikatan ni Cristine Reyes sa Mother Ignacia network, o baka nga mahigitan pa niya, hindi na ako magtataka. Ang mga dating mga ka-Siyete na naging ka-Dos, alam na alam nating bonggang-bongga ang karera, maski itanong niyo pa kina Paulo Avelino, Jake Cuenca at Iza Calzado.
Belat na lang sa Kapuso network who made her dream, believe and survive pero hindi naman siya nagawang major, major star. Ano nga ba ang ginagawa nilang wala sa hulog at tila hindi sila makagawa ng mga artistang pangmalakasan ang kasikatan? Sabi nila number one sila, eh bakit si Jennylyn Mercado lang ang artista nilang pinapanood ang mga pelikula?
Isip-isip mga ka-Siyete, kayo ang nagtatanim, tapos ang tagumpay, iba ang umaani? Anyare?
Bongga siguro kung ang dating mga Kapuso, pagsama-samahin sa isang pelikula o kaya isang palabas sa telebisyon para magkaalaman na kung sino ang star builder huh!
Sofia hindi peke ang pagiging sosyal
Speaking of being a star, walang dudang si Sofia Romualdez, magiging major, major musical recording star.
Aba, single launching pa lang, pang lifestyle of the rich and famous na agad, sa Manila Polo Club ang mga kaganapan.
Bet na bet ko rin ang sosyalin niyang pag-Iingles. Alam mong she is not faking it, na ito talaga ang ginagamit na linguwahe sa kanilang palatial abode at school and mga friends niya.
Kakatuwa ‘yung pag-amin niya na hindi niya pa alam what makes her kilig, na hindi niya kailangan maging in the mood or in certain emotional zone para makapagsulat ng kanta. Kadalasan, experiences ng mga kaibigan niya ang nagiging inspirasyon niya para makapagsulat. Mukhang wala pa sa sistema niya ang ma-in love.
Kaaliw rin ‘yung hilig niya sa donuts at ang resolve niya na, “I don’t really write songs to sell. It defeats the purpose of being an artist. Being yourself is key. It’s better to sound weird than to sound like other artists in the market.
At tunay na kakaiba nga ang sound at sentiment ng kanta niyang Thinkin’ Of U.
Pag pinakinggan mo ang lyrics, mararamdamn mo ‘yung longing para sa isang taong iyong inaalala and at the same time may tinge of melancholia ang boses ni Sofia. Habang kinakanta niya ito, parang may kung anong hahaplos sa puso mo at may movie in my mind kang mabubuo.
Walang kaere-ere at walang yabang ang dalagang Yolanda survivor. Parang hindi alta kung umasta, her parents Alfred at Cristina, obviously raised her well.
Good luck at congratulations sa iyo, Sofia Romualdez, more records, please.