MATAPOS ang matagal na paghihintay, sa wakas eh bida na si Ryza Cenon sa Ang Manananggal sa Unit 23B.

HEP, HEP HOORAY moment ito para sa dalaga lalo na’t she is one of those na neither here nor there ang karera.

Chika ni Cenon, “Masayang-masaya ako. Kinakabahan. Excited. Lahat, na­raramdaman ko.

Nanlalamig nga ako.

“Masarap sa paki­ramdam na first time ko na magka-indie film. First time ko ginawa ‘yung lahat ng ginawa ko sa Manananggal, so, natatakot rin ako kung ano magiging impact nito sa tao.”

Dagdag chika ni Ryza, “Naka-relate ako kay Jewel. Hindi ako nahirapan to become her, kasi, may mga similarities kami. “Independent, takot sa tao at sa judgement nila. Tahimik lang siya, sobrang nakaka-relate ako du’n.

“Sa pagiging monster niya kapag manananggal na siya, du’n, nag-struggle ako. Saka du’n sa delicate scenes.”

Ano ba ang delicate scenes?

Walang halong pag-iimbot at buong katapatan niyang sagot, “Yung masturbation scene at sex scene.”

WHAT?!

Mapangahas na mga eksena! Kalurks!

Sabi ni Cenon,”Yung sa masturbation scene, ginagawa ko siya agad na joke para kumalma ako at maging kumpor­table ako. Hindi naman ako naloka o kinabahan na gawin ‘yun, nilagyan ko agad siyang may element ng biruan.

“Ang biro ko nga kay direk Prime (Cruz), sige po direk, ngayon pa lang magpapraktis na akong mag-masturbate sa bahay.”

“Hahahaha! Nagbibiro ako about it para lang maging kumportable ako na pag-usapan siya, para maging ready ako, para mawala yung apprehensions ko.”

At yes, take one si Ryza sa eksena.

Parang tinotoo niya ang biro niya kay direk at nag-practice makes perfect siya in the confines of her bedroom at bathroom. Naku, siya na kaya ang tatanghaling Masturbation Queen after this movie?

Huwag n’yo rin akong tatanungin kung paano mag-masturbate ang mga babae.

***

Ang isa pang delicate scene ni Ryza ay ang kanyang cinema­tic sexual congress scene kung saan ang kapareha niya ay ang papable bear na si Cholo Barretto.

“Mas nahirapan ako sa sex scene, eh. ‘Yung masturbation kasi, ako lang ‘yun, kaya ko siyang kontrolin, ‘yung eksena, ‘yung mangyayari,” pahayag ni Ryza.

“Sa sex scene kasi, may kasama na akong iba. Siempre hindi ko rin ma-ko-control sya, du’n ako nahirapan.

“Wala pa kaming rehearsals. Salang agad ‘yun. I think it helped na naging honest ako kay Cholo.

“Inamin ko sa kanya na kinakabahan ako, na first time kong gagawin ang makipag-sex scene.

“Ang sabi niya, ‘wag kang mag-alala, just be in your character, an­dun naman ako to comfort and protect you.

“Kinakabahan talaga ako, nanlalamig pero I need to rise above my fears and trust Cholo.

Thank God, one take lang ang eksena!”

***

Ang taray, in sync sila ni Barretto sa kanilang cinematic kuyanyangan.

Magaling naman pala sila, huh?!

Paliwanag ni Ryza, “Hindi siya madali. Kailangan ibigay mo ‘yung one hundred percent mo para hindi paulit-ulit. “Nakakaloka lang ‘yung first time kong maka-work si Cholo, tapos may sex scene kayo agad. ­Hahahaha!”

Nakakatuwa niyang kwento, “Nagpa-late ako nung sex scene shooting day. Nagpaalam naman ako kay direk Prime na ma-le-late ako, mga one hour lang naman.

“Kasi nga, umiyak muna ako sa bahay. Ayo­ko kasing makita nila ‘yung nerbiyos ko so inilabas ko na.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Bakit ko ba ito ginagawa? I eat three meals in a day naman. Kailangan ko ba itong gawin?’

“I was psyching myself up. Importante kasi ‘yung sex scene namin ni Cholo. Salamat naman at na-pull off ko.”

Bakit nga ba ngayon lang dumating ang lead role?

“Hindi ko rin alam,” matapat na sagot ni Cenon.

“Blessing sa akin na dumating ito para mapakita ko kung ano ang kaya kong gawin bilang artista, bilang aktres.

“Ako naman, nandito ako sa showbiz hindi para magkamal ng fame. Nandito ako kasi mahal ko ang trabaho ko.

“Gusto kong mag-grow as an actress. Sa akin, mas importante na tuluy-tuloy na trabaho na sana naman eh makabuluhan, maganda ‘yung role at tatatak sa tao.”

Hindi rin affected si Ryza sa mga haters at bashers, lalo na sa mga nagsasabing siya ay La Ocean Deep na.

“I blocked them agad. Hindi ko sila kaila­ngan sa buhay ko. I don’t like negative people,” maiksing reaksyon niya tungkol dito.

Dahil nag-masturbate at may sex scene siya sa movie, todong-todo na ba ang pagi­ging daring niya sa next projects?.

“Nagawa ko na, aarte pa ba naman ako,” maagap nitong sagot. “Pero siempre dapat kailangan talaga sa kwento. Hindi yung basta makapaghubad or makapag-sex scene lang.”

***

Mark Herras
Mark Herras

May mga umaasa pa rin na magbalik tambalan sila ni Mark Herras.

Gusto niya bang makatrabaho ito sa isang mapangahas at mainit ring pelikula or TV show?

Ang kanyang bibang sagot, “Why not? Mark is Mark. I would love to work with him again.”

One Response